Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video

Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video

- Ayon kay Toni Fowler, kinausap niya ang anak niyang si Tyronia Fowler kaugnay sa kontrobersiyal niyang music video na MPL

- Aminado siyang nasaktan siya nang idawit na sa kontrobersiya ang kanyang anak

- Pinaliwanag niya daw sa kanyang anak na ito ang kanyang trabaho dahil wala naman siyang tinapos at aniya ang mahalaga ay hindi ito gagawin ng anak pag laki niya

- Para naman sa anak niya, natatawa lang daw ito sa mga sinasabi ng mga tao dahil para daw sa kanya ay ang cool ng kanyang mommy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Toni Fowler na kinausap niya ang anak niya kaugnay sa kontrobersiyal niyang MPL music video. Sa panayam sa kanya ng co-star niyang si Ghost Wrecker, sinabi niyang ipinaliwanag niya daw sa kanyang anak na ito ang kanyang trabaho dahil wala naman siyang tinapos at aniya ang mahalaga ay hindi ito gagawin ng anak pag laki niya.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video
Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video (@tonifowlerpo)
Source: Instagram
“Palagi kong sinasabi sa kanya na ‘Ito ‘yung trabaho ni mommy. Napakahirap kasing kumita ng pera sa Pilipinas lalo na kung katulad ko na wala kang utak, bobo ka, wala kang pinag-aralan. Napakahirap, anak. Anumang gawin ni Mommy na trabaho, anuman ang ginagawa ko ngayon, ang mahalaga hindi mo ito gagawin paglaki mo dahil nag-hustle ako para sayo’,”

Ani Toni, kaya niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya ay para hindi matulad sa kanya ang kanyang anak.

“Hanggang maari talaga, kaya ko nga ginawa lahat para hindi siya matulad sa buhay ko pero kung pipiliin niya na maging gano’n, desisyon na niya ‘yun. Basta ang masasabi ko lang, ginawa ko ‘yung best ko. Ginawa ko lahat para hindi siya masira.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Read also

Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel