Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili

Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili

- Nilinaw ni Jason Hernandez na wala umano siyang karelasyon o nililigawan sa kasalukuyan

- Sa isang panayam ay natanong sa kanya kung ano ang kanyang reaksiyon sa mga hugot na kanta ni Moira dela Torre na kadalasan ay iniuugnay sa kanya ng netizens

- Hindi naman daw siya apektado sa mga komentong nababasa niya patungkol sa kanya dahil hindi naman daw niya kilala ang mga nagkokomento

- Aniya, never siyang sasagot at mas pipiliin na lang na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Jason Hernandez na may nabasa siyang mga komento laban sa kanya ngunit aniya ay hindi siya apektado at hinding-hindi daw siya sasagot para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili
Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng ilang press people na naibahagi sa Dondon Sermino YouTube channel, sinabi niyang naiintindihan naman niyang masama ang tingin sa kanya ng marami lalo at hindi siya nagsasalita para ipagtanggol ang sarili ngunit aniya ay ayos lang sa kanya iyon.

Read also

Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre

Aniya, never siyang sasagot at mas pipiliin na lang na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.

Nanag matanong naman sa mga hugot songs ni Moira na kadalasang iniuugnay sa kanya ng marami, sinabi niyang may ibang detalye na iba ngunit okay lang daw yun sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Ganun kasi ako, e. Never niyo maririnig na gaganti ako. Naniniwala kasi na si God na bahala sa kanya. Siya na yung mag-aano. I really don’t need to defend…”

Si Jason Marvin Hernandez ay isang singer composer na unang nakilala bilang karelasyon ni Moira dela Torre at kasama niya sa paggawa at pagkanta ng kanilang mga likhang awitin. Matapos nilang ikasal ay ikinagulat ng mga tagahanga nila nang ilabas nila ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Matatandaang marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason at Moira ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa. Ito ay kinompirma ni Jason sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko. Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Samantala, sa isang Instagram Live video na binahagi ni Moira, marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon. Matapos ang naging pahayag ni Jason ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live. Matatandaang isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel