Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya umano galit kay Liza Soberano: "Nalungkot lang ako"

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya umano galit kay Liza Soberano: "Nalungkot lang ako"

- Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi siya umano galit sa dating alaga na si Liza Soberano

- Hindi rin daw siya na-offend sa mga nabitawang pahayag ni Liza sa 'This is Me' video nito

- Giit ni Ogie na maayos din umano ang naging paghihiwalay nila noon ni Liza bilang manager at talent

- Matatandaang minsan nang nasabi ni Ogie ang panghihinayang niya umano sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na maglabas ng saloobin tungkol sa mga naging pasabog ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya umano galit kay Liza Soberano: "Nalungkot lang ako"
Ogie Diaz (Ogie Diaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakapanayam siya ng mag-asawang sina Christine at Julius Babao patungkol sa kontrobersyal na 'This is Me' video ni Liza.

Sa kabila ng mga naging pasabog ni Liza sa naturang video, giit ni Ogie na hindi siya galit sa dating alaga.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

"Hindi ako galit kay Liza. At anytime na gusto niya akong tawagan, gusto niyang humingi ng payo sa akin whatever, bukas ako sa kanya kasi malaki rin ang utang na loob ko sa batang 'yan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ako na-offend, Nalungkot lang ako. Nakakalungkot lang din naman 'yun," dagdag pa ni Ogie.

Isa rin sa nabahagi niya ay ang maayos nila umanong paghihiwalay ni Liza matapos na hindi na ito nag-renew pa ng kontrata sa kanya

"Pero 'nung naghiwalay kami ni Liza, in fairness naman maayos. Maayos kaming naghiwalay ay nagpaalaman, nagkita in person," giit ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Julius Babao Unplugged channel:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.

Read also

Aljur Abrenica, gustong makilala ang bagong partner umano ni Kylie Padilla

Kaugnay nito, minsan na ring nabanggit ng dati niyang manager na si Ogie Diaz ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel