Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin kaugnay sa mainit na isyu ngayon sa vlog ni Liza Soberano

- Dito umano nakita ng mga kababayan natin ang umano'y kawalan ng utang na loob ng aktres

- Aniya, nakasira umano sa maganda na sanang pag-exit niya sa dating manager na si Ogie Diaz at sa career niya sa Pilipinas

- Nabanggit pa niya ang umano'y bansag na ngayon ng ilang netizens kay Liza na 'beautiful monster'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinag-usapan nina Crity Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ang mainit na isyu tungkol sa inilabas na vlog ni Liza Soberano.

Nalaman ng KAMI na napansin din umano ni Cristy ang umano'y kawalang utang na loob ni Liza base sa mga pasabog niya sa kanyang 'This is Me' video.

Read also

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

"Hindi nga lang natin alam na sa kanyang pagre-rebranding pala kasama 'yung hindi pagtanaw ng utang na loob."
"Mga Pilipino po tayo na napakahalaga po sa atin ng pagtanaw ng utang na loob at pagpapahalaga sa mga tao na naging materyal po sa pagtupad sa ating mga pangarap, mga ambisyon"

Ayon kay Cristy, maganda na sana ang pag-alis ni Liza sa showbiz industry ng bansa gayundin ang pagtatapos ng kontrata niya sa dating manager na si Ogie Diaz, subalit gumulo lang at gumawa talaga ng ingay ang ginawa nitong vlog.

Dahil dito, binabato tuloy si Liza ng mga masasakit na salita ng mga netizens na dahil na rin umano sa mga pinakawalan niyang pahayag.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Doon nakita ng mga kababayan natin na napakawalang utang na loob pala nitong batang ito. Inggrata pala ito... Buti maganda ka. 'Yun ang laging sinasabi, Ang ganda-ganda mo pa naman. E kung minsan kasi deceiving ang pagiging maganda."

Read also

Cristy Fermin, naikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park

"Ano nga ang sabi ng mga kababayan natin, at least si Ogie nakagawa siya ng beautiful monster," dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Samantala, kamakailan lang ay nabanggit din ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel na talagang marami na umanong nanghihinayang sa career ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano. May ilang mga naka-pitch umanong proyekto pa sana ni Liza tulad ng Pinoy adaptation ng 'It's Okay not to be Okay' na hindi na raw umano inaprubahan ng tambalang Lizquen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel