Ogie Diaz, aminadong nanghihinayang umano sa career ni Liza Soberano

Ogie Diaz, aminadong nanghihinayang umano sa career ni Liza Soberano

- Aminado si Ogie Diaz na nanghihinayang umano siya sa career ni Liza Soberano

- Aniya, marami pa sanang nakalinyang proyekto sa dati niyang alaga

- Aminado rin siya na nasasaktan tuwing makababasa ng negatibong komento tungkol kay Liza

- Tinapos lang ni Liza ang kaniyang kontrata kay Ogie at tuluyan nang lumipad Patungo sa Amerika sa pagbabakasakaling may mas magagandang oportunidad para sa kanya doon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Ogie Diaz na nanghihinayang umano siya ngayon sa dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, aminadong nanghihinayang umano sa career ni Liza Soberano
Ogie Diaz kasama si Liza Soberano
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa itinatakbo ng career ni Liza ngayong nasa Amerika na ito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nasabi ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin ukol dito.

"Ako nanghihinayang Loi kasi siyempre, nanghihinayang ako sa career ni Liza. Wa etchos! Kasi andun siya e (tinuro ni Ogie ang taas) Andun na siya, tapos siyempre na-hurt ako bilang former manager nakakabasa ako ako ng ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon?"

Read also

Sharon Cuneta, aminadong nalungkot sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Bakit noong nandun pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz e maganda naman maayos naman palakad sa kanya. Bakit nagiging fan na lang ng KPop si Liza. 'Yung mga ganun."

Hindi raw niya malaman ang isasagot ng mga fans ni Liza lalo na at hindi naman na siya ang manager nito.

"Nanghihinayang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito. Kung nasaan siya nandoon.Tapos ngayon, hindi naman natin madalas makita sa mga TV commercials si Liza. IIlan lamang yung commercials na nakikita siya," ayon pa kay Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang Showbiz Update Youtube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Sharon Cuneta, natutuwa sa "Sharon sa handaan" memes: "Ang cute naman, at least naalala ako"

Sa isa sa mga episodes ng kanyang showbiz update channel, todo puri niya ang bagong serye ni Coco Martin, ang FPJ: Batang Quiapo lalo na ang pagganap ni Miles Ocampo sa pilot episode nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel