Miles Ocampo, emosyonal sa papuring natatanggap sa pagganap sa 'Batang Quiapo'
- Hindi napigilan ni Miles Ocampo na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'
- Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles
- Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte
- Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naging emosyonal si Miles Ocampo nang mapag-usapan ang mga papuring natanggap niya sa mahusay na pagganap sa 'Batang Quiapo.'
Nalaman ng KAMI na sa interview sa kanya ni Bernadette Sembrano, isa ito sa kanilang natalakay. Maging si Bernadette ay 'proud' kay Miles sa pagiging mahusay nitong aktres.
"Tapos yung naririnig ko 'yung comments nila, until now nakakabasa ako ng comments. Parang ang sarap sa feeling na hanggang ngayon pala may nakaka-appreciate sa akin... Iba yung validation na natatanggap ko for the past few days," naluluha na nasabi ni Miles.
"Weakness ko kasi 'yung pagsinabi nilang proud sila sa'kin... 'Pag naririnig ko 'yun sa boyfriend ko, sa management ko sa family ko. Worth it pala ang pag-iri ko at paggapang ko sa palengke," paliwanag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng panayam kay Miles mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:
Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.
Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng Eat Bulaga kung saan sinabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.
Source: KAMI.com.gh