Cristy, sinabing bibili pa umano ng beach house si Kris Aquino sa gitna ng kanyang gamutan

Cristy, sinabing bibili pa umano ng beach house si Kris Aquino sa gitna ng kanyang gamutan

- Nabalitaan umano ni Cristy Fermin na bibilhin ni Kris Aquino ang tinitirhang beach house sa Amerika

- Sa bagong episode ng SNN, tinalakay ito nina Cristy lalo na at nabanggit lang kamakailan ni Kris na nirerentahan lamang nila ang naturang beach house

- Hindi naman daw ito kataka-taka gayung kilala bilang isa sa mga mayayamang personalidad si Kris

- Sinasabi rin na isa umano ang beach house sa gusto talagang uri ng tahanan ni Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bibilhin ni Kris Aquino ang umano'y beach house na kanyang tinitirhan ngayon sa Newport.

Cristy, sinabing bibili pa umano ng beach house si Kris Aquino sa gitna ng kanyang gamutan
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI sa ulat ni Cristy Fermin na inuupahan lamang talaga ito ni Kris sa Amerika lalo na at gustong-gusto nito ang pwesto ng bahay na nakaharap sa dagat.

Ayon pa sa source ni Cristy, hindi na basta uupa ang Queen of all media sa nasabing bahay kundi magiging kanya na rin umano ito.

Read also

Sharon, inaming halos 250 pounds siya noon: "Parang karumal-dumal na'to"

"'Yun ang balita, bibilhin na niya ang Newport beach house. Bakit? Kataka-taka ba e ang yaman ni Kris Aquino," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ay sa gitna ng patuloy pa rin niyang pagpapagamot sa Amerika halos pitong buwan na ang nakalilipas.

Dahil dito, hindi naiwasang masabi ni Cristy na maaring hindi lamang milyonarya si Kris na patuloy ang pagbili ng ari-arian kahit malaki na ang gastusin nito sa kanyang kalagayan.

"Baka nga mali 'yung milyonaryo lang siya. Baka bilyonarya siya e 'di ba?"

Matatandaang pansamantalang nanirahan sa hotel si Kris at kanyang mga anak gayundin ang ilang kasamang empleyado sa pagdating nila sa Amerika para sa kanyang gamutan. Naroong nagrenta na rin siya ng bahay at ang pinakahuli na nga umano ay ang beach house.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Read also

Sharon Cuneta sa relasyon nila ng anak na si KC: "hindi naiiwasang magbanggaan"

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Kamakailan, naibalita rin ni Cristy na naglo-loyalty check umano si Willie Revillame sa kanyang mga empleyado. Ito ay matapos na kumalat 'di umano ang recording na naibahagi rin ng SNN.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel