Cristy, kina Vice Governor Mark at Kris: "Nag-iimbita na naman kayo ng magkokomento"

Cristy, kina Vice Governor Mark at Kris: "Nag-iimbita na naman kayo ng magkokomento"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin tungkol sa mga naging post ni Batangas Vice Governor Mark Leviste tungkol kay Kris Aquino

- Matatandaang binisita niya muli ito sa Amerika at sinigurong makararating siya sa birthday ni Kris noong Araw ng mga puso, February 14

- Marami ang hindi napigilang magkomento tungkol umano sa posibleng dahilan ni VG Mark sa pagiging malapit kay Kris

- Gayunpaman, mayroon namang mga nagpasalamat kay VG Mark dahil sa napapasaya nito ang kaibigang si Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin at kanyang mga kasama sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol umano sa mga post ni Vice Governor Mark Leviste patungkol kay Kris Aquino.

Cristy, sa pag-post ni Mark Leviste kay Kris: "Nag-iimbita na naman kayo ng magkokomento"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Matatandaang noong Araw ng mga Puso, sinigurado ni VG Mark na makapiling si Kris gayung kaarawan din talaga nito noong February 14.

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Sa post, maiisip talaga ng mga makababasa na mayroon nang namamagitan sa bise gobernador at kay Kris Aquino.

Ito ay agad namang sinangga ni Kris at nilinaw na 'the best male friend' niya si VG Mark.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang hindi napigilang magkomento tungkol umano sa posibleng dahilan ni VG Mark sa pagiging malapit kay Kris.

"Okay naman si ano e, si Vice Governor. Pero sa mga nangyayaring ito, hindi natin maaalis isipin na isa siyang mang-ga...mang-ga talaga," ani Cristy.

Ayon pa kay Cristy, tila may plano 'di umano si VG Mark na tumakbo sa mas mataas na posisyon at pansin umano nilang malaki ang maitutulong ni Kris upang makamit niya ito.

"Meron siyang inaasinta na mas mataas na posisyon na sa kanyang isip ay makaktulong si Kris Aquino sa kanya"

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Samantala, nakausap naman mismo ng King of Talk na si Boy Abunda ang kaibigang si Kris Aquino sa kaarawan nito. Maging si Mark Leviste ay nabigyan din niya ng mensahe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel