Boy Abunda, emosyonal na nakausap si Kris Aquino; may mensahe kay Mark Leviste

Boy Abunda, emosyonal na nakausap si Kris Aquino; may mensahe kay Mark Leviste

- Naikwento ni Boy Abunda na nakausap niya mismo ang kaibigang si Kris Aquino

- Bukod sa bumati siya para sa kaarawan nito, Nakausap din niya si Bimby at ang bisita ni Kris na si vice Governor Mark Leviste

- Aminado si Boy na emosyonal siya nang makausap ang kaibigan sa loob ng dalawang oras

- Nagbigay mensahe rin ito kay Mark bilang kaibigan ni Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa programa niyang Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Boy ang tungkol sa pag-uusap nila ni Kris Aquino bago mismo maisa-ere ang kanyang programa.

Boy Abunda, emosyonal na nakausap si Kris Aquino; may mensahe kay Mark Leviste
Boy Abunda, emosyonal na nakausap si Kris Aquino; may mensahe kay Mark Leviste
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa pagbati na rin ni Boy kay Kris na nagdiwang ng kaarawan sa Araw ng mga Puso, February 14.

"About two hours ago nag-usap po kami ng personal ni Kris. We spoke to each other dahil binati ko siya. Nag-aalangan nga ako tawagan dahil I'm very very careful... Naku, I don't wanna be emotional."

Read also

Boy Abunda, interesado umanong malaman kung totoong may anak sina Aj at Aljur

Naikwento ni Boy na kaibigan din niya ang bisita ngayon ni Kris na si Vice Governor Mark Leviste.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So ang ginawa ko po, tinawagan ko po si Mark Leviste. Mark answered me because earlier, hindi pa ho ako gising, I got a text message from Mark at sinabi ni Mark Leviste, kaibigan ko si Mark, he's a good friend of mine and a good friend of Kris."

At maging siya ay nagbigay komento sa naging post ni Kris at Mark na inakala ng marami na may namumuo nang relasyon.

"I was able to speak with Kris and to Bimb and ito lang ang sasabihin ko. Kasi alam ko nag-comment and nag-post si Mark. Then nag-comment si Krissy and sinabi niya dun na, ang dating sa akin she wants to take it slow. And then she calls Mark her male best friend, and I believe Krissy."

Read also

Kris Aquino, nilinaw na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste

Pinasalamatan niya si Mark sa kung anoman ang naidudulot nito ngayon sa buhay ni Kris at tinawag siya nitong her male best friend.

"I'll put it this way. Mark, for all the things that you do, for all the things you are to Kris Aquino today, bilang kaibigan, maraming maraming salamat.If you make her smile, Thank you. If you make her well, thank you."
"Mark and Kris, maniwala po kayo hindi ako nagtatanong. Hangga't hindi sa akin sinasabi ng aking kaibigan, what she says is what it is."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Kamakailan, ilang mga personalidad na ang nakapanayam ni Boy Abunda na talaga namang napag-usapan dahil na rin sa matitindi nilang rebelasyon. Ilan sa kanila ay sina Paolo Contis, Bea Alonzo at Dina Bonnevie.

Dahil dito, isa na umano ito sa mga pinakaaabangang programa na mapapanood sa GMA. Sa loob kasi ng 20 minuto ay marami nang napapag-usapan si Boy at ang kanyang nagiging bisita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel