Ai-Ai Delas Alas, nag-sorry na kay Mayor Joy Belmonte: "Pasensya na Mayora"

Ai-Ai Delas Alas, nag-sorry na kay Mayor Joy Belmonte: "Pasensya na Mayora"

- Nag-sorry na ang komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas na isa umanong Persona non grata ng Quezon City

- Ito ay dahil sa parody na nagawa nito sa alkalde ng nasabing lungsod na si Mayor Joy Belmonte

- Aniya, artista lamang siya na sinunod ang utos sa kanya ng kanyang direktor

- Katunayan, pina-edit pa umano niya ang ilang linya sa kontrobersyal na parody na alam niyang maaring makasakit sa alkalde ng Quezon City

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, napag-usapan nina Boy Abunda at Ai-Ai Delas Alas ang tungkol sa naging isyu ng komedyante sa umano'y paggaya nito sa alkalde ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte.

Ai-Ai Delas Alas, nag-sorry na kay Mayor Joy Belmonte: "Pasensya na Mayora"
Ai-Ai Delas Alas (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nabanggit ito sa programang Fast Talk kung saan napag-usapan ang pagiging persona non grata ni Ai-Ai sa nasabing lungsod.

Read also

Dina Bonnevie, kinukumbinsi si Kristine Hermosa na magbalik showbiz: "Ang ganda ganda niya"

Humingi siya ng dispensa kay Mayor Joy na umano'y nasaktan sa naturang parody.

"Sa totoo lang, di ko akalain na ganun pala yun kasi ginawa ko po 'yun bilang artista po. Tapos sila naman ang gumawa ng script nun. Si Direk, tapos sila tapos ako 'yung artista."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, nagawa pa umano niyang ipa-edit ang ilang bahagi ng video na alam niyang makakasakit sa alkalde.

"Yung iba dun talagang pina-edit ko, dahil alam ko baka ma-offend si Mayora. But since ayun na nga, na-offend siya so pasensya na Mayora na ako pala ay nakasakit sa'yo. So, artista lang ako. kumbaga, kaya ginawa ko 'yun kasi inutos lang sa'kin. Tapos biglang bati na sila ni Direk... 'Di kami bati. Parang ako yung naiwan sa ere bakit kayo bati?" ani Ai-Ai.

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

Bilang mensahe sa alkalde, nagbiro pa ito na huwag nang magtampo sa kanya lalo at magkamukha raw umano sila.

"Mayora alam mo, hindi ka na dapat nagtatampo sa'kin. Kasi pag nagtampo ka sa'kin, para kang nagtampo sa sarili mo. 'E 'di ba magkamukha tayo?"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ai-Ai mula sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA:

Kamakailan, ilang mga personalidad na ang nakapanayam ni Boy Abunda na talaga namang napag-usapan dahil na rin sa matitindi nilang rebelasyon. Ilan sa kanila ay sina Paolo Contis, Bea Alonzo at Dina Bonnevie.

Dahil dito, isa na umano ito sa mga pinakaaabangang programa na mapapanood sa GMA. Sa loob kasi ng 20 minuto ay marami nang napapag-usapan si Boy at ang kanyang nagiging bisita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica