Dina Bonnevie, kinukumbinsi si Kristine Hermosa na magbalik showbiz: "Ang ganda ganda niya"

Dina Bonnevie, kinukumbinsi si Kristine Hermosa na magbalik showbiz: "Ang ganda ganda niya"

- Naikwento ni Dina Bonnevie na kinukumbinsi niya umano na magbalik showbiz si Kristine Hermosa

- Si Kristine na kilala sa teleseryeng 'Pangako sa'yo' ay misis ng anak ni Dina na si Oyo Boy Sotto

- Aminadong gandang-ganda si Dina sa kanyang manugang na inalok din niyang sumali sa Miss Universe na pwede na ngayon ang may asawa

- Pangarap din umano ni Dina na magkasama-sama sila ng kanyang mga anak sa isang proyekto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naikwento ni Dina Bonnevie ay ang tungkol sa kanyang manugang na si Kristine Hermosa.

Dina Bonnevie, kinukumbinsi si Kristine Hermosa na magbalik showbiz: "Ang ganda ganda niya"
Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa (@khsotto)
Source: Instagram

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni Dina na hangang-hanga umano siya sa anak na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine sa pagiging hands-on parents sa lima nilang mga anak.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Nalaman ng KAMI sa naturang interview kung paano kinukumbinsi ni Dina si Kristine na magbalik showbiz.

Matatandaang minsan na ring naging prinsesa ng teleserye si Kristine dahil sa 'Pangako Sa'yo' kasama si Jericho Rosales.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puring-puri ni Dina si Kristine na maging sa Miss Universe ay inalok din niya itong sumali.

"Actually ilang beses ko siyang tinatanong e, sabi ko Tin bakit ayaw mong mag-artista ulit? Sayang, right now she's so thin. Sobrang slim, ang ganda ganda niya. Sabi ko 'yung MIss Universe ngayon pwede nang sumali kahit may asawa. bakit hindi ka sumali? Hindi na Ma, Bakit? Masaya na ako nang ganito. Masaya na kami ni Oyo ng ganito lang"

Nais din niya sanang magkasama sila nina Oyo, Danica at Kristine sa isang proyekto.

"Tinanong ko nung birthday ko, ayaw mo bang mag-artista ulit? Sabi ko, ang dream ko, Magkasama tayo sa isang soap. Ikaw, si Oyo, ako. Or si Danica kung pwede pa siya," kwento pa ni Dina.

Read also

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Ayon naman daw kay Kristine, kung bibigyan siya ng pagkakataon, nais lang niyang light ang kanyang roles hindi tulad ng dati.

"Sabi niya, okay lang ma gusto ko pa sanang mag-artista pero ayaw na daw niya ng may iyakan. Ayaw na niya, gusto niya yung light lang. 'Yung happy lang. Siguro parang comedy lang or just a light show. Ayaw na niya ng may crying crying."

Narito ang kabuuang panayam kay Dina mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Sa naunang interview ni Ogie Diaz kay Miss Dina Bonnevie, naikwento nitong nasasabihan din siya ng kanyang mga anak pagdating sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan umano niya.

Tulad na lamang ng panayam sa kanya kamakailan ni Boy Abunda kung saan preview pa lang, tinawagan na agad umano siya ng panganay na anak niyang si Danica ukol dito para lang magpaalala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel