Kris Aquino, nilinaw na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste

Kris Aquino, nilinaw na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste

- Minabuti ni Kris Aquino na linawin ang tungkol sa kanila ni Vice Gov. Mark Leviste matapos magpost ni Leviste ng picture nilang magkasama

- Sinabi ni Vice Gov. na nakasama niya si Kris nitong Valentine's Day at na birthday din ng "Queen of All Media"

- Ani Kris, naappreciate niya ang mga effort ni Vice Gov. Leviste ngunit aniya, alam nilang friendship ang pinakamagandang foundation ng kahit anong relasyon

- Aniya, isang daang porsiyento siyang sigurado na best male friend niya si Vice Gov. Leviste

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Kris Aquino na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste. Ito ay matapos mag-post ni Leviste ng picture nilang magkasama kalakip ang mensahe ng kanyang pagbati para sa Valentine's Day at birthday ni Kris.

Read also

Kris Aquino, grateful sa effort ng aniya'y "very determined man of his word"

Kris Aquino, nilinaw na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste
Kris Aquino, nilinaw na "best male friend" niya si Vice Gov. Mark Leviste (@markleviste)
Source: Instagram

Sa post ni Vice Gov. Leviste ay sinabi niyang masaya siyang makasama si Kris sa kaarawan nito at Araw ng mga puso. Marami ang kinilig sa mensaheng ito ni Leviste.

Made it just in time for your birthday and Valentine’s Day. It may have taken more than 7k miles to be with you, but I wouldn’t have it any other way. Although we have been apart, now that we’re together fills my heart. It is for this reason my love and my dear you will always and forever feel near.

Matapos nito ay may mga espikulasyon tungkol sa kanila kaya minabuti ni Kris na linawin ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May we clarify- together physically in the same place… i appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP. i know i state with 100% accuracy, you’re my best male friend.

Read also

Darryl Yap, binweltahan patutsada ni Cherry Pie Picache: "Yung pumatay sa nanay mo, nayakap mo"

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Naibahagi kamakailan ni Kris sa pamamagitan ng isang Instagram post ang update tungkol sa kanyang kalusugan. Aniya, sa kabila ng hindi inaasahan may scary red flag na lumabas sa kanyang lab result, naiyak siya ngunit aniya ay tama na iyon. Nanatili ang kanyang positibong pananaw sa kabila ng hindi inaasahang resulta dahil aniya kung sakali mang early detection umano yung red flag na iyon ay maituturing niyang pinagpapala pa rin siya. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.

Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris. Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit. Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel