Cristy Fermin, naikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park

Cristy Fermin, naikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park

- Naikumpara umano ni Cristy Fermin si Liza Soberano kay Sanda Park

- Ito ay matapos makatanggap ni Liza ng mga komentong wala umano siyang utang na loob dahil sa mga maibulalas sa 'This is Me' vlog niya

- Ani Cristy, si Sandara ay nagkaroon man ng rebranding kung tawagin sa kanyang career subalit marunong umano itong tumanaw ng utang na loob

- Si Sandara Park at produkto ng Reality Search sa ABS-CBN ang Star circle bago pa man siya maging miyembro ng KPop group na 2NE1

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi naiwasan ni Cristy Fermin na maikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park dahil sa pareho umanong nag-rebranding ang dalawa sa kani-kanilang mga career.

Cristy Fermin, naikumpara si Liza Soberano kay Sandara Park
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa ito sa kanyang nabanggit sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Itong vlog niyang ito ang nakasira sa kanya"

Ani Cristy, hindi tulad umano ni Liza na nababansagan daw ngayon ng madla na inggrata, si Sandara ay kahanga-kahanga sa pagtanaw ng utang na loob sa ABS-CBN.

"Alam niyo po, magbibigay kami ng ehemplo. Alam niyo po nung manalo si Sandara Park sa SCQ, Nung naramdaman niya kasi mataas na mataas talaga ang kanyang kasikatan, pero nung nararamdaman niyang nagigi nang malagihay na ang kanyang karera, bumalik po siya ng Korea. Nagrebranding po siya. Ginawa po siyang reinvention," pahayag ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun po rebranding po yun, tanggap po natin 'yun. Pero sa kanyang pagtuklas sa bago niyang linya, hindi po niya kinalimutan ang ABS-CBN at ang Star Circle quest, na naging dahilan kung bakit nagi siyang sikat na Sandara Park," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Aljur Abrenica, gustong makilala ang bagong partner umano ni Kylie Padilla

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng kanyang kanyang 'SNN' nabanggit ni Cristy na nakasira lamang umano kay Liza Soberano ang pagpapalabas nito ng 'This is me' vlog. Maayos na raw sana ang naging pag-alis nito sa career niya sa Pilipinas subalit ang naturang video ang nagpahamak daw sa dating Kapamilya actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel