Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"

Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"

- Hiling umano ni Ogie Diaz na hindi na muna magsalita pang muli ang dating alaga na si Liza Soberano

- Aniya, habang dumarami ang naisasapubliko ni Liza, dumarami rin ang mga bashers nito

- At siya bilang dating manager ay nasasaktan umano sa mga naibabatong salita sa kanyang alaga

- Kaugnay nito, nagkakaroon umano ng pagkakataong kailangan niyang magsalita gayung maging siya ay nahuhusgahan sa mga nasasabi ng dating alaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinisto ni Mama Loi si Ogie Diaz na hiling na sana'y hindi na raw magsalita pa si Liza Soberano na siyang nagiging dahilan ng mas matitinding bashing na natatanggap nito sa publiko.

Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Matatandaang sa makailang pinaunalakan niyang interview matapos mailabas ang vlog niyang 'This is Me', naparatangan si Liza na umano'y hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong naging bahagi ng kasikatan niya sa mundo ng showbiz sa ating bansa.

Read also

Cristy sa pahayag ng ama ni Liza Soberano: "Nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy"

"Alam niyo po, may chika ako sa inyo... Ang laging sinasabi ni 'Nay Ogie sana hindi na siya (Liza) magsalita para hindi na siya naba-bash," ani Mama Loi sa pinakabagong episode nila ng Ogie Diaz Showbiz Update.

"Ako 'yung tatay e, nahu-hurt din ako. Na parang bakit ginaganito 'yung bata at nagaganito 'yung bata. Naja-judge agad siya. Dahil kahit naman ako naja-judge din ng mga tao. Pero wala akong pakialam dahil ako 'yung mas matagal na dito. Mas alam ko 'yung laro dito sa industriya lalo na sa social media," ang umano'y "wa etchos" na naging tugon ni Ogie sa nasabi ni Mama Loi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Cristy sa mga naging pahayag ni Liza Soberano: "Napaka-inconsistent mo!"

Sa mga naunang episodes ng kanyang Showbiz Update channel, halos makailang beses nang nasabi ni Ogie na hindi umano siya galit sa dating alaga na si Liza Soberano sa mga naging pahayag niya mula nang ilabas ang kanyang 'This is me vlog.'

Gayunpaman, makailang beses din siyang naglabas ng saloobin sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng dating alaga kabilang na rito ang pinakahuling nabitawan nitong salita patungkol sa komisyon na nakukuha ng mga managers niya maging ng ABS-CBN.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel