Cristy sa pahayag ng ama ni Liza Soberano: "Nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy"

Cristy sa pahayag ng ama ni Liza Soberano: "Nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy"

- Tulad ng mga netizens, tila umalma rin si Cristy Fermin sa panibagong nasabi ng ama ni Liza Soberano

- Ayon kay John Soberano, wala umanong dapat itanaw ng utang na loob ang anak kundi sa mga fans lamang

- Ani Cristy, sa halip umano na pakalmahin ni John ang sitwasyon ngayong naba-bash ang anak niya, nagkaroon pa muli ng dahilan ang mga bashers

- Naibahagi rin ni Cristy ang napansin umano ng netizens kung bakit ganoon nalang ang mga naging pahayag ni Liza na mana umano sa ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan ni Cristy Fermin na almahan ang umano'y panibagong nasabi ng ama ni Liza Soberano na si John Castillo Soberano.

Cristy sa pahayag ng ama ni Liza Soberabno: "Nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ang naging pahayag ng ama ni Liza patungkol sa kung kanino lang dapat tumanaw ng utang na loob ang kanyang anak.

Read also

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

"Meron po siyang sinabi na wala raw po dapat tanawing utang na loob ang kanyang anak kahit kanino. Para kay Ogie Diaz, sa ABS-CBN at sa mga direktor. Ang dapat lang daw tanawan ng utang na loob ni Liza ay ang kanyang mga fans," pagbabahagi ni Cristy.

Dahil umano rito tila lalong dumami ang bashers ni Liza.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam niyo naman na pinipigipit na ang anak niyo ng bashing. Sa halip na nababawasan ang nagagalit sa anak niyo, dapat kinalma niyo. Kaso nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy," ani Cristy.

"Nakakalungkot, okay tanggap natin na ama siya ni Liza. Hindi natin aasahan na siya pa ang manlalaglag sa kanyang anak. Pero ang alam ko, sa taong nagmamalasakit lalo na ang magulang, kapag medyo kailangang kalusin ang anak gagawin niya 'yun," dagdag pa nito.

Read also

Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel