Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

- Sumagot sa komento ng isang netizen ang umano'y dating road manager ni Liza Soberano na si Jonilyn Castillo

- Nilinaw niyang hindi umano siya mukhang pera tulad ng komento ng netizen na dahil kamag-anak siya ni Liza ay dapat hindi na ito kumuha pa ng komisyon

- Aniya, namumuhay raw siya ng sapat ngayon habang nagnenegosyo sa isang payak na lugar

- Mahal din umano niya ang kanyang pamangkin na si Liza, habang ginagalang naman umano niya si Ogie Diaz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na ang dating road manager umano ni Liza Soberano na si Jonilyn Castillo. Si Jonilyn ay pinsan umano ng ama ni Liza na si John Castillo Soberano.

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"
Liza Soberano at dating road manager na si Jonilyn: (@jonilyncastillo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa isang komento ng netizen, nagawang sumagot ni Jonilyn na nababanggit ni Liza bilang si "Tita Joni".

Read also

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

Komento ng netizen, naunawaan niya umano ang hinaing ni Liza tungkol sa komisyon na nakukuha ng manager na si Ogie Diaz, Tita Joni at ABS-CBN.

"Agree ako dito. Sana hindi nalang nangumisyon, sweldo nalang tutal kamag-anak naman. Kaya naman pala naging ganyang si Liza. Ang dami niyang bagahe at hugot sa buhay. Kumbaga pumutok na talaga siya. Sa dmi ba naman ng responsibility niya. Kawawa ang bata sa totoo lang," komento ng netizen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinagot din umano ito ni Jonilyn at ibinulalas ang kanyang saloobin kaugnay sa isyung kinahaharap ngayon ni Liza.

"Buti po pinapanood niyo both sides. Okay po yan if sa tingin niyo may mali ako, sorry po. Pero most of the time po, yung pala decide yung pala-decide po kayo basta na lang kumuda, yan po ang nagpapalala."

Read also

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

"Basta po ako ay hindi mukhang pera. Ako po ay namumuhay ng sapat. Ako po ngayon ay kasalukuyang nagbebenta ng egg drop sa isang payak na lugar, baka gusto niyo po pumasyal."
"Mahal ko po ang aking pamangkin, ginagalang ko po si Ogie. Para sa akin, nabigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay itim dahil sa napakagaling kumuda kaya ang gulo na po."

Matatandaang sa Part 2 ng interview ni Boy Abunda kay Liza, nabanggit nito ang tungkol sa komisyon na nakukuha ng kanyang mga manager.

"So I started with him at 12, up until I was 15 i believe 2015, or 2016 which when I was 17, 30% po ang komisyon niya sa akin," ani Liza patungkol sa komisyong nakukuha ng manager na si Ogie Diaz.

"My tita Joni was taking 20% and Star Magic was taking 10%" dagdag ni Liza na halos 30% nalang ang nakukuha sa kanyang kita dala ng pagbabayad niya ng buwis 'di lang sa Pilipinas maging sa Amerika kung saan isa rin umano siyang citizen.

Read also

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

Dahil dito, nag-usap umano ang kanyang Tita Joni at manager na si Ogie Diaz na bawasan ang kanilang komisyon upang madagdagan ang naiuuwi ni Liza.

"They felt that I deserve more since I'm putting in a lot of work." paglilinaw ni Liza.

Naibahagi rin ng Daily tribune ang naturang komento ng road manager at tiyahin din ni Liza Soberano:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.

Isa mga labis na napag-usapan, ay nang maibunyag ni Liza sa interview sa kanya ni Bea Alonzo na ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ito kay Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel