Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

- Nilarawan ni Cristy Fermin si Liza Soberano na nahaharap ngayon sa matinding kontrobersiya

- Aniya, tila nagkakaroon na ito ngayon ng 'damage control' sa mga interview nito tulad nang kay Boy Abunda

- Nagsimula 'di umano ang isyu buhat nang ilabas ni Liza ang 'This is Me' vlog niya na talagang gumawa ng ingay

- May pahayag din umano si Cristy sa bagong mga manager ni Liza na kinabibilangan ni James Reid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dahil mainit pa rin ang isyu ngayon ni Liza Soberano, hindi napigilan ni Cristy Fermin na ilarawan ang aktres na nagpaunlak ng interview kamakailan kay Boy Abunda.

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pansin umano ni Cristy ang lungkot at pighati ngayon ni Liza na masasabing pinakakontrobersyal na personalidad ngayon.

Read also

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

"Ang tingin ko sa kanya, isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay. Na maraming gustong makamit, pero hindi nakuha... At 'yung sinasabing pagkaganda-gandang mukha niya, parang hindi ko napansin," diretsang nasabi ni Cristy.

Masyado raw maraming naaalala si Liza subalit tila nakalimutan 'di umano nito ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging bahagi ng pagkakaroon niya ng pangalan sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'ng dami-dami niyang naaalala na hindi natuloy. mga reklamo na kasi ganito, kasi ganoon... E 'yung utang na loob naalala mo ba?"

Pansin din umano ni Cristy na hindi lubos na nagagabayan ng mga bagong managers ni Liza na sina James Reid at Jeffrey Oh ng 'Careless' ang aktres na taliwas ang nasasabi sa mga inilalabas naman ng management.

Read also

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

"Hindi siya nagabayan nang husto nitong si Jeffrey Oh at si James Reid. Dahil kung nagabayan ito, hindi niya gagawin 'yung 'This is Me' vlog na ito. Para magbukas ng pintuan ng negativity.
"Grabe itong Careless. Wala kayong komunikasyon ni Liza. Inamin ni Liza, nag-post na walang offer sa kanya para sa audition ng Spiderman. Bakit hindi niyo alam 'yun? Alaga niyo si Liza. Dapat alam niyo na walang offer ng audition. Pero ang pinipilit mo Jeffrey Oh, meron! Asan ang resibo?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Read also

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng This is Me vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel