Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

- Nagmistulang 'damage control' 'di umano ang naging panayam ni Boy Abunda kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

- Napansin din nina Cristy sa Showbiz Now Na! ang logo ng 'Careless' ang management na kinabibilangan ni James Reid bilang manager ni Liza

- Nasabi pa ni Cristy na halatang sinalo umano ni Boy si Liza lalo pa at kaibigan umano nito ang manager ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin ang logo ng 'Careless' sa interview ni Boy Abunda kay Liza Soberano.

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"
Jame Reid, liza Soberano and Jeffrey Oh (Kapamilya Online World)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi umano maalis sa isip nina Cristy na planado umano ang naturang interview lalo na ng management ni Liza.

"Ito naman po ay halatang-halata na sinalo ang lahat ng mga pinagsasabi ni Liza Soberano. Magkaibigan kasi 'yung nag-interview at si James Reid," na nabanggit nga ni Boy ang pagkakaibigan nila ni James sa umpisa ng naturang panayam.

Read also

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

"Alam na natin kung ano ang naganap bago maupo si Liza. Alam na natin kung ano ang scheme of things na tinatawag para mapabulaanan 'yung mga naunang sinabi ni Liza at mabaliktad ang kwento para siya ay magmukhang hindi inggrata."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, sa kabila umano ng pinakaaabangang pahayag ni Liza hindi na raw maaalis pa isip ng publiko ang pagigi umanong 'inggrata' ni Liza dahil sa mga nauna niyang naging pahayag.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel at Wendell mula sa YouTube channel na 'Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Read also

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Sa ngayon, nakalipad na muli si Liza sa Amerika. Ito ay matapos ang naging interview sa kanya ni Boy Abunda. Habang noong Pebrero 21 pa naman naganap ang interview ni Bea Alonzo kay Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel