Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin patungkol sa bagong management ni Liza Soberano

- Ito ay tungkol sa sinasabing audition umano ni Liza para maging bahagi ng 'Spiderman'

- Naging kontrobersyal ito dahil hindi raw pinayagan noon ng dating manager si Liza maging ng ABS-CBN

- Matatandaang minsan nang nilinaw ito ng aktres taliwas umano sa ibinunyag ng kamakailan ng kanyang bagong manager na si Jeffrey Oh

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsa ang naging pahayag ni Cristy Fermin sa bagong mga manager ni Liza Soberano sa Careless management.

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda kayo ng kuda, wala namang maipakitang resibo"
James Reid, Liza Soberano, Jeffrey Oh (Careless management)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa nabanggit kamakailan ni Jeffrey Oh, ang bagong manager ni Liza na binigyan umano ang aktres ng pagkakataong makapag-audition sa pelikulang Spiderman.

Ayon kay Jeffrey, hindi raw umano pinayagan si Liza ng dati nitong managaer at network dahilan para mapakawalan ang pagkakataon sana ni Liza na mapasama sa isang Hollywood film.

Read also

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

"Manumbat siya kung mula sa kawalan, walang nangyari sa karera ni Liza Soberano. E may nangyari, naging popular, yumaman. Maraming naging proyekto na pinakikinabangan ngayon nitong Careless management," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sino na ba ang napasikat niyo? 'Di ba si Nadine Lustre na kinuha ninyo, umalis din sa poder niyo. Anong nangyari kay Nadine? Wala, umalis, bumalik ng Viva," ang nabanggit pa nito.
"Magsalita kayo kung meron na kayong resibo na totoo kayong may napasikat. E Wala pa naman e, 'di ba? Kuda kayo ng kuda, salita kayo ng salita wala naman kayong maipakitang resibo,"tila paghamon pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Read also

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel