Baby Bia, umani ng papuri sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon

Baby Bia, umani ng papuri sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon

- Napa-wow ang marami nang mapanood si Baby Bia sa vlog ng kanyang mommy Zeinab na nagbabasa ng alphabet

- Sa celebration ng pagiging top one ni Lucas, pinabasa ni Mommy Zeinab kay Bia ang mga letra sa greeting para kay Lucas

- Halos matapos ito ni Bia ng walang mali at mga pinabasa sa kanya na talagang kahanga-hanga sa edad niyang halos dalawang taong gulang

- Si Bia ay anak ni Zeinab Harake sa dating partner nitong si Skusta Clee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang humanga kay Baby Bia nang pagbasahin ito ng alphabet ng kanyang Mommy Zeinab Harake.

Baby Bia, hinangaan ng marami sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon
Si Bia at Mommy Zeinab (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel na Zeinab Harake

Nalaman ng KAMI na sa celebration ng pagiging top one ni Lucas sa kanilang batch sa school, pinabasa ni Zeinab ang greeting na 'Congratulations' kay Bia.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Halos matapos niya ng walang mali ang pagbigkas ng bawat letra ng salita kaya naman super proud ang kanyang mommy Zeinab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, bukod kay Lucas, natuwa rin ang marami kay Bia na nagpapakita rin ng husay at talino tulad ng kanyang kuya.

"May anak akong valedictorian sis kaya talaga namang, malabo sa'kin 'yun pero sa sobrang tiyaga, tiyagaan lang talaga yan, masaya akong gifted ang mga anak ko, matatalino talaga sila," ani Zeinab.

"'Yun yung answered prayer ni God sa'kin. 'Di ko man nakuha pansarili ko, sa kanila na lang," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel na Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Ivana, labis na napasaya si Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Kamakailan ay naibahagi rin ni Zeinab ang isang pagkakataong napaiyak siya ng mga anak lalo na ni Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak.

Matatandaang naibahagi rin niya sa isa sa kanyang vlog kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Aniya, walang sinoman ang may karapatang kwestyunin ang kanyang pagiging ina.

Gayunpaman, proud naman siya kay Lucas na nakikita niyang protective, mapagmahal at malambing sa kanya gayundin sa bunsong kapatid nitong si Bia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel