Ivana, labis na napasaya si Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France

Ivana, labis na napasaya si Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France

- Labis na napasaya ni Ivana ang kanyang Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France

- Kasama rin nila sa kanilang Paris trip si Mona na labis ding nag-enjoy lalo na sa kanilang mga pictorials

- Hiling ni Mama Alawi, na ang kanilang manonood ay makapunta rin sa France na para sa kanya'y pinakamagandang travel destination

- Bukod sa pagiging aktres, kilala si Ivana sa kanyang mga vlogs lalong-lalo na kung ang content nito ay tungkol sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng saya si Mama Alawi nang isama siya ni Ivana at ni Mona sa Paris, France.

Ivana, labis na napasaya si Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France
Ivana, Mama Alawi at Mona (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Ivana, kitang-kita ang kasiyahan ni Mama Alawi na talagang dream destination ang France para masilayan ang Eiffel tower.

Read also

Baby Bia, umani ng papuri sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon

"Merong kakaiba sa kanya e, 'pag nasa malayo siya parang ang liit-liit lang. Pero habang lumalapit ka parang may magic siya. May something, kakaiba," paliwanag ni Mama Alawi na hindi halos matinag ang ngiti.

"Happy! very, very happy... Thank you," palambing na nasambit ni Mama Alawi kay Ivana.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, sa naturang video rin makikita ang ilang behind the scenes ng photoshoot ni Ivana sa France na pawang isa ring Pinoy ang photographer.

Narito ang kabuuan ng kanilang bonding sa France na mapapanood sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain, pera at iba pa nilang pangangailangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel