Cristy Fermin, ipinagtanggol si KC: "Hindi simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion"

Cristy Fermin, ipinagtanggol si KC: "Hindi simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion"

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si KC Concepcion sa mga bashers nito sa isang TikTok video niya kamakailan

- May ilang nagkomento na dahil sa dagdag na timbang, umani ito ng hindi kagandahang mga komento

- Isa na rito ang nagsasabing mukha na raw itong nanay na hindi katanggap-tanggap ani Cristy

- Pinaliwanag ni Cristy ang umano'y kondisyon ni KC kaugnay ng pagdagdag nito ng timbang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naawa at ipinagtanggol ni Cristy Fermin si KC Concepcion na umano'y na-bash sa kanyang bagong TikTok video kamakailan.

Cristy Fermin, ipinagtanggol si KC Concepcion: 
"Napakagandang nanay nito"
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol umano sa karagdagang timbang ni KC na siyang pinuna ng netizens.

"'Uy, kawawa naman si KC Concepcion. Lumabas sa TikTok, 'yung kanyang footage na may kalakihan siya oo. May kalaparan oo, pero sapat ba namang tawagin siyang mukha nang nanay"

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

"E napakagandang nanay nito," pagtatanggol ni Cristy na ipinaliwanag ang kondisyon ni KC ngayon na mayroong PCOS o Polycystic ovary syndrome.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Meron po siyang Polycystic ovary syndrome. Hindi naman ito sakit pero iniintindi ito ng mga kababaihan na nagkakaroon ng epekto sa katawan na pwedeng lumapat, lumaki, tumaba, sabihin na natin."

Ayon kay Cristy, big-boned umano si KC tulad ng kanyang ina at lola.

"Dahil big-boned po sila. Kahit ang namayapa niyang lola si Mommy Elaine, ang kanyang ina na si Sharon Cuneta... At si KC, big-boned talaga sila. Malalaki ang buto kaya hindi papayat nang husto"

Pinaalalahanan niya ang publiko na dapat ding intindihin si KC sa kung anuman ang pinagdaraanan nito.

"Intindihin pa natin na hindi simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion. At kung siya nga ay mukhang nanay, aba e gusto ko nang maging anak niya. Pagkaganda-gandang nanay nito"

Read also

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

"'Wag lang po nating madaliin. darating din 'yung panahon na 'yung hinahanap nating size ng katawan makikita rin po natin 'yan."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite and humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang.

Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Samantala, patuloy naman na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Read also

Gardo Versoza, pinayagan nang mag-TikTok: "Pero 'wag po muna mag-high heels"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang mahigit 320,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel