Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

- May pakiusap si Ogie Diaz bilang dating manager ng aktres na si Liza Soberano

- Aniya, huwag na umanong ukilkilin pa ang mga katagang 'utang na loob'

- Siya man ay mayroon din daw umanong utang na loob sa kanyang naging alaga sa loob ng sampung taon

- Matatandaang sa pagpanaw ng kanyang ina kamakailan, nabanggit ni Ogie na hindi umano siya nakatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula kay Liza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiusap si Ogie Diaz sa publiko na huwag na umanong banggitin pa ang salitang 'utang na loob' kaugnay sa dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit ito ni Ogie nang mapag-usapan nila sa Showbiz Update ang tungkol sa naging pahayag ni Liza sa show business sa Pilipinas.

Read also

Gardo Versoza, pinayagan nang mag-TikTok: "Pero 'wag po muna mag-high heels"

"Ako ha, as Ogie Diaz as former manager of Lizs Soberano, 'wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob. Hindi po 'yan issue. Walang isyu doon,
"Kasi, kahit naman ako, may utang na loob din naman ako kay Liza, si Liza din, depende rin kung tatanawin niya. Ganun lang naman yun. Nasa tao po yan, nasa buto po yan ng tao. 'Pag yan ay umiiral sa kanya at nandun talaga. Kahit pa anong mangyari sa buhay niya, ay hindi pa rin niya nakakalimutan kung saan siya naggaling, kung sino ang nakasama niya sa kasagsagan ng kanyang journey," giit pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Wala hong issue sa'kin ang utang na loob," pagbibigay diin pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Kamakailan, nabanggit ni Ogie na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza na talent niya sa loob ng sampung taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel