Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

- Maging ang batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin ay nalilito na umano kay Liza Soberano

- Pansin na rin umano ng marami ang pabag-bago ng isip nito

- Tulad na lamang ng pangalang itatawag sa kanya kung Liza pa rin ba o Hope na ang paliwanag umano niya ay ang kanyang tunay na pangalan

- Kamakailan, naging usap-usapan na naman ang naging pahayag ni Liza patungkol sa mga love team sa Pilipinas na minsan niyang kinabilangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na ay tungkol sa umano'y pabago-bago ng isip ni Liza Soberano.

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"
Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa sa ikinagugulo ng isip ng kanyang mga tagasubaybay ay ang pagtawag sa kanya ng Hope na umano'y tunay niyang pangalan o Liza pa rin kung saan siya umano nakilala.

Read also

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

"Nakakapagdalawang-isip kasi. Magtatanong ka nalang. Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

"Napaka-fickle minded po niya. Paiba-iba ang takbo ng kanyang pag-iisip. Ang gusto niya Hope dahil 'yun daw ang tunay niyang pangalan... 'Pag tinatawag daw siyang Hope parang naninibago raw siya kasi nasanay na siya na ang tawag sa kanya ay Liza"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang pinakamagandang itawag sa kanya ngayon, Lukring. Kasi hindi mo malaman kung ano talga ang kanyang gusto"

"Tapos malalaman mo nalang ibang-iba na ngayon ang buhay niya sa Amerika kumpara sa pinagdaanan niyang buhay dito sa Pilipinas na pagkaganda-ganda"

Gayunpaman, hindi na raw gaanong gumawa ng ingay ang pangalan ni Liza kahit muli siyang inuulan ng kontrobersya ngayon

"Pero hindi na ganun kaingay ang kanyang pangalan na tulad noong unang-una siyang nagsalita na kinalaban din ng marami"

Read also

Gardo Versoza, pinayagan nang mag-TikTok: "Pero 'wag po muna mag-high heels"

Basta, matuloy sana ang proyekto mo sa Hollywood para naman ng saysay 'yung pagpapaalam mo pansamantala lang sana"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Samantala, patuloy naman na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang mahigit 320,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel