Rendon Labador sa mga lalaking may mga asawang talak nang talak: "Iwan mo na agad"

Rendon Labador sa mga lalaking may mga asawang talak nang talak: "Iwan mo na agad"

- Nagbigay payo si Rendon Labador sa mga lalaking may asawang talak nang talak

- Diretsahang nasabi nito na iwan na lamang dapat ng mga lalaki ang ganoong klase ng mga asawa na umano'y toxic na

- Sinalo naman ito ni Isko Moreno, ang nag-interview kay Rendon na baka naman madaan pa ito sa pakiusap lalo na at kasal na ang tinutukoy sa tanong

- Kilala si Rendon sa mga matatapang niyang pahayag sa maiinit na isyu sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagulat si dating Manila city mayor Isko Moreno sa naging sagot ni Rendon Labador nang maibato niya ang unang sitwasyon sa bahagi ng kanyang interview na 'Payong Kaibigan.'

Rendon Labador sa mga lalaking may mga asawang talak nang talak: "Iwan mo na agad"
Photo: Rendon Labador
Source: Facebook

Ani Isko, ano raw umano ang maipapayo ni Rendon sa mga lalaking may asawang talak nang talak.

Read also

Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"

"Iwan mo," agad na sagot ni Rendon na hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Kasi toxic na e. Iwan mo na agad," dagdag pa niya na sinalo naman ng Isko at sinabing baka naman mapag-usapan pa lalo na at sa sitwasyon, mag-asawa ang estadong naibigay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang bahagi ng kanilang talakayan, nabanggit ni Rendon na bilang isa umanong motivational speaker, asahang hindi mabubulaklak na mga salita ang makukuha ng mga taong hihingi sa kanya ng payo.

"Pag pumunta kayo sakin, pag pinakinggan ko kayo. 'Wag kayo mag-eexpect na isu-sugar coat ko kayo. Sasabihin ko yung kailangan niyo marinig. Kasi alam ko, 'yun yung makakapagpabago sa inyo."

Narito ang kabuuan ng kanyang mga pahayag mula sa Iskovery Night, ang programa sa YouTube channel ni Isko Moreno.

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Cristy Fermin sa isyu ng pagiging ama ni Paolo Contis: "Wag nasasaktan kapag totoo"

Gayundin sa isyu kamakailan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez na muling naungkat dahil sa bagong music video nang nahuli. Ipinagtanggol ni Rendon si Moira gayundin si Zack Tabudlo na nadawit ang pangalan sa kontrobersiya.

Maging sa pagiging host ni Paolo Contis ng "Eat Bulaga" ay nabigyang komento ni Rendon kung saan sinabi nitong "sustento muna bago papremyo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel