Cristy Fermin, naghakot na sa umano'y condo na bigay sa kanya ni Willie Revillame

Cristy Fermin, naghakot na sa umano'y condo na bigay sa kanya ni Willie Revillame

- Naghakot na si Cristy Fermin ng kanyang gamit mula sa condo unit na bigay umano sa kanya ni Willie Revillame

- Ito ay matapos ang umano'y pagbanggit nito ni Willie sa noo'y hindi pa niya pinangalanang mga personalidad

- Nag-ugat ito sa inakala ng 'Wowowin' host na sinabihin siya ng kanyang Nanay Cristy na mayabang

- Hindi raw akalain ni Cristy na ang condo unit na iyon ang siyang pag-uugatan pa ng pagkakasira nila ni Willie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Cristy Fermin na naghakot na umano siya ng kanyang mga gamit sa condo unit na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang anak-anakan na si Willie Revillame.

Cristy Fermin, naghakot na sa umano'y condo na bigay sa kanya ni Willie Revillame
Willie Revillame (Wowowin)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa ito sa nabanggit ni Cristy sa pinakabagong episode niya ng Showbiz Now Na!

Read also

Cristy, sinabing pinagli-leave na ang umano'y nagsulsol at nagsumbong kay Willie Revillame

Ani Cristy, dalawang araw na raw ang nakararaan nang magsimula siyang maghakot ng gamit sa condo unit na ito na kailanma'y hindi niya natirhan o natulugan manlang. 39th floor daw ito na para umano sa kanya, mas sanay siya sa mababang tirahan lamang

"At tulad po ng sinabi ko na ibabalik ko po 'yung unit na pinagtrabahuhan ko kay Willie Revillame. Dalawang araw na po ang nakararaan nakapaghakot na po kami. Ang nandun na lamang ay yung malalaking piraso na hindi kakasya sa sasakyan," paglalahad ni Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, kung kasing barubal lamang umano siya ng kanyang itinuring na anak-anakan, hindi magagandang salita ang masasabi niya sa paglisan niya sa unit na ito.

"Gusto kong sabihin, kung kasing barubal ako ni Willie Revillame, gusto kong sabihin na eto na yung condo mo, isaksak mo sa baga mo," ang mga katagang hindi naman umano makakayang sabihin ni Cristy.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

"Pero hindi po 'yun ang terminong iiwan ko ngayon. Hindi po ako kasing tapang, kasing mapanumbat tulad ni Willie, Hindi po ganun. Ang gusto ko nalang sabihin, maraming salamat," ayon sa Showbiz Now Na! host na nagpasalamat pa rin kay Willie.

"Eto na ulit, yung isinumbat mo sa'king condo unit. Mabubuhay ako nang wala ito. Mabubuhay din ako ng wala ka. Kung paanong mabubuhay ka nang wala ako."

"Hindi ko alam na magiging ugat pala ito ng pagkakasira namin," saad ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Read also

Anne Curtis, nakipagkita sa fans niyang hindi nakapasok sa 'It's Showtime'

Naging matunog ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. Inakala kasi ng marami na kasama rin dito ang kanyang programang Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel