Cristy, sa paghingi ng tawad ni Willie: "Sa susunod maniniwala pa ba kami sa'yo?"

Cristy, sa paghingi ng tawad ni Willie: "Sa susunod maniniwala pa ba kami sa'yo?"

- Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin patungkol sa umano'y paghingi sa kanya ng tawad ni Willie Revillame

- Matatandang minsang nabanggit ni Willie tungkol sa nagsabi sa kanya na mayabang ngunit nabigyan naman niya ito ng sasakyan at tirahan

- Pinaalalahanan din niya ang kanyang 'anak-anakan' na alamin muna ang kabuuan ng pahayag bago raw ito magpakawala ng maaanghang na salita

- Aminado mang nasaktan, at aminado siyang natakot sa mga umano'y panunumbat na nagawa ni Willie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin tungkol sa naging patutsada sa kanya kamakailan ni Willie Revillame.

Cristy, sa paghingi ng tawad sa kanya ni Willie: "Sa susunod maniniwala pa ba kami sa'yo?"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nasaktan si Cristy sa umano'y panunumbat na nagawa ni Willie sa hindi raw nito pag-alam ng kabuuan ng kanya namang naging pahayag.

"Hindi muna niya pinanood ng buong-buo dahil hindi naman po ganoon ang pagkakasabi ko. Ang kayabangan niya ay 'yung excitement sa gagawin niyang proyekto,"

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

"Alam mo anak, kahit busy tayo, bago tayo magpakawala ng mga salita lalo nakung maanghang, dapat tinitiyak muna natin na nasa tama tayo. Kasi ang mapagpaniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili yan,"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Katulad niyan, ilang kaluluwa ang nasaktan niya? Ang mga reporters na tinulungan niya? Eto sinusumbatan niya. E kung ikaw pala ay manunumbat, 'wag ka nalang magbigay ng tulong." payo ni Cristy kay Willie.

Sa mga nasabi ring ito ni Willie, maaring makaapekto raw ito sa tiwala ng tao sa kanya lalong-lalo na at kilala naman talaga siya sa pagtulong.

"Dahil doon, iniisip tuloy ng mga kababayan natin ngayon na 'yung pagpapakitang gilas niya, yung papunta-punta niya sa lugar na may kalamidad, 'yung pagbibigay niya ng one million sa ganito, 5 million sa ganyan, hindi pala 'yan bukal sa kaooban. Pwede palang isumbat din niya," ani Cristy.

Read also

Cristy Femin, naawa pa rin kay Willie Revillame nang makausap niya ito

"I forgive but I remember names... Nakakatakot ang mga taong nanunumbat," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel