Cristy, sinabing pinagli-leave na ang umano'y nagsulsol at nagsumbong kay Willie Revillame

Cristy, sinabing pinagli-leave na ang umano'y nagsulsol at nagsumbong kay Willie Revillame

- Naikwento ni Cristy Fermin na pinagli-leave na ang umano'y nagsulsol kay Willie Revillame

- Ito ay patungkol sa isyung nasabi umano ni Cristy na mayabang si Willie sa isa sa mga episode ng kanyang programa

- Aminadong sumama ang loob ng nanay-nanayan sa kanyang anak-anakana na hindi muna agad na tumawag sa kanya para mapakinggan ang kanyang panig

- Bagkus, agad pa raw itong naniwala sa nagsulsol at agad na nagsumbong kay Willie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now na! ngayong Pebrero 14, nabanggit ni Cristy Fermin ang nabalitaan niyang sinapit ng nagsulsol at nagsumbong 'di umano kay Willie Revillame.

Cristy Fermin
Cristy Fermin
Source: Youtube
"At 'yung nagsulsol sa kanya, 'yung nagbulong sa kanya at sinabing akala ko ba nanay-nanayan mo si Tita Cristy ba't tinawag mong mayabang pinagmumura pala 'yun at pinag-leave na"

Read also

Zeinab, emosyonal sa Luxe Slim photoshoot: "Naiiyak ako"

Aminado si Cristy na sumama ang loob sa kanyang itinuring na anak na si Willie dahil sa agad na paniniwala sa nagsabing ito na sana'y kinumpirma muna sa kanya.

"Ano ba naman 'yung dinampot niya yung telepono tinawagan niya ako, ina totoo bang sinabi mong mayabang ako? Para naman naipaliwanag ko na mali ang interpretasyon nung nagbulong at nagsulsol sa kanya na tinawag ko siyang mayabang," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama't humingi na ng dispensa si Willie sa kanyang Nanay Cristy, hindi pa rin umano ito humihingi ng tawad sa dalawa pa umanong kilalang personalidad na sinasabi ng marami na nasumbatan niya ng kanyang pagtulong.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Naging matunog ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. Inakala kasi ng marami na kasama rin dito ang kanyang programang Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel