Xian Gaza, bilib kay Ogie Diaz sa husay sa pag-invest sa real estate

Xian Gaza, bilib kay Ogie Diaz sa husay sa pag-invest sa real estate

- Sinagot ni Xian Gaza ang bashers ni Ogie Diaz na nagsabing ginatasan daw ni Ogie si Liza Soberano sa loob ng sampung taon

- Ani Xian, hindi lang pagiging talent manager at artista ang pinagkukunan ng income ni Ogie

- Magaling daw itong kumilatis ng real estate na tataas ang value matapos lamang ang ilang taon

- Aminado siyang maging siya at gayundin si Liza ay nakinabang sa expertise na ito ni Ogie pagdating sa pag-invest sa real estate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Xian Gaza ang screenshot ng pag-uusap nila ni Ogie Diaz bilang patunay sa kanyang sinabi na mahusay si Ogie pagdating sa pagkilatis ng real estate properties na tumataas ang value. Aminado siyang maging siya at gayundin si Liza ay nakinabang sa expertise na ito ni Ogie pagdating sa pag-invest sa real estate.

Read also

Ama ni Liza Soberano: “Everybody blows everything out of proportion"

Xian Gaza, bilib kay Ogie Diaz pagdating sa pag-invest sa real estate
Xian Gaza, bilib kay Ogie Diaz pagdating sa pag-invest sa real estate (@facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Ito ang sagot ni Xian sa mga bashers ni Ogie na nagsasabing ginatasan daw ni Ogie si Liza Soberano sa loob ng sampung taon. Aniya, malaki din ang kinita ni Liza dahil kay Ogie at gayundin si Ogie. Bukod sa pag-aartista at pagiging talent manager ay bilib si Xian sa husay ni Ogie pagdating sa larangan ng pagkilatis ng real estate properties.

Nabanggit niya rin na sinulot umano ni Ogie si Liza mula sa GMA na siyang naging daan para sa kanyang pagsikat sa ABS-CBN.

Hindi naman lilipad yung career ni Liza kung hindi siya sinulot ni Ogie mula sa GMA Artist Center at ipinasok sa Star Magic. Hindi niyo alam yun 'no? 9 days ng nakapirma si Soberano sa GMA, pina-cancel lang ni Diaz. From there eh Liza's life changed forever.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel