Ama ni Liza Soberano: “Everybody blows everything out of proportion"

Ama ni Liza Soberano: “Everybody blows everything out of proportion"

- Ayon sa ama ni Liza Soberano, pinalaki lang ng mga tao ang isyu kaugnay sa sinabi ni Liza

- Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang dapat ay panuoring muli ang sinabi ni Liza at intindihin ang sinabi ng kanyang anak

- Matatandaang umani ng mga reaksiyon hindi lang mula sa mga nakatrabaho niya kundi maging mula sa netizens ang kanyang naging pahayag

- Kaugnay ito sa kagustuhan niyang magawa ang sarili niyang desisyon pagdating sa kanyang career

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon sa ama ni Liza Soberano ay pinalaki lang ang isyu sa sinabi ng anak na niya. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang dapat ay panuoring muli ang sinabi ni Liza at intindihin ang sinabi ng kanyang anak.

Ama ni Liza Soberano: “Everybody blows everything out of proportion"
Ama ni Liza Soberano: “Everybody blows everything out of proportion" (@lizasoberano)
Source: Instagram
“Everybody blows everything out of proportion so sometimes you have to sit back relax and rewatch what she said and really understand what she's saying."

Read also

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

Sa kanyang binahaging YouTube video, inihayag ni Liza ang kanyang kagustuhang magsimula nang panibago pagdating sa kanyang karera. Nabanggit niya na magagawa na umano niya ang sarili niyang kagustuhan pagdating sa kanyang trabaho. Naging usap-usapan din ang tungkol sa pagbigay sa kanya ng screen name na Liza na aniya ay binigay sa kanya at hindi siya ang nagpasya tungkol sa bagay na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot ito ng dating manager niyang si Ogie Diaz sa paraang mahinahon at nagpapaalala sa dating alaga kung paano naging tulay ang binigay na pangalan sa kanya sa kanyang pagsikat.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Read also

Brenda Mage, ibinida ang night view sa kanyang Hinaguan farm

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Enrique Gil sa kaarawan ni Liza. Binahagi ni Enrique ang ilan sa mga pictures nilang magkasama sa kanyang social media post. Maikli ngunit nakakakilig ang naging mensahe ni Enrique kay Liza. Ikinatuwa naman ng mga netizens na makitang maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng lumalabas na espikulasyon.

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel