Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

- Suportado ni Xian Gaza ang kanyang kaibigan at kumpare na si Ogie Diaz sa umano'y isyung kinasasangkutan nito ngayon

- Kabi-kabilang bashing kasi ang tinatamasa ngayon ni Ogie buhat nang lumabas ang kontrobersyal na This is Me video ni Liza Soberano

- Ani Xian, ang nakikita lamang umano ng bashers kay Ogie ay ang kita nito bilang manager noon ni Liza

- Hindi raw umano alam ng mga bashers na ito ang naitulong ni Ogie kay Liza bilang ikalawang ama nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

To The rescue si ang online personality na si Xian Gaza sa kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz na pinupukol ng mga isyu ngayon.

Xian Gaza, pinagtanggol si Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung commission mo bilang manager"
Xian Gaza, Ogie Diaz at Liza Soberano (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito 'di umano sa inilabas na 'This is Me' video ni Liza Soberano na naglalahad ng mga kaganapan niya sa buhay buhat nang i-manage na siya ng grupo nina James Reid.

Read also

Cristy sa interview ni Boy kay Liza na may 'Careless' logo: "Halatang-halata na sinalo"

Ayon kay Xian, hindi umano nakikita ng publiko lalo na ng mga bashers ang naitulong ni Ogie sa pag-usbong ng karera ni Liza.

Ang iniisip lamang umano ng mga ito ay ang kinikita ni Ogie mula sa pagiging manager ni Liza na inaakala raw ng marami na siyang pinang hihinayangan nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang hindi raw alam ng marami, wala nang kinita si Ogie sa huling dalawang taon ng kontrata ni Liza sa kanya.

"Pareng Ogie, bina-bash ka nila at tinatawag na mukhang pera. Nanghihinayang ka daw sa kikitaing pera kay Liza kaya ka kumukuda. Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata," ani Xian.

Pati na rin ang pagtuturo umano ni Ogie kay Liza na mag-invest ay lingid sa kaalaman ng publiko na ang tanging nakikita ay ang komisyon ni Ogie sa pagiging manager ng isang Liza Soberano.

Read also

Cristy sa kontrobersiya ni Liza: "Isang babaeng malungkot na maraming pighati sa buhay"

"Hindi kasi nila alam na tinuruan mo siyang mag-invest sa mga lupa lupa kaya nag-x3 yung kinita niya sa pag-aartista. Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"
"Hindi nila nakikita yung mga naitulong mo sa bata bilang ikalawa niyang ama. Hindi nila alam na sobra ka lang nag-aalala dahil yung tinake niyang risk ay hindi kalkulado at maaaring ikamatay ng kanyang karera"

Gayunpaman, hiling pa rin ni Xian na sana'y huwag masira ang pagkakaibigan nila.

"Ang wish ko eh sana hindi tuluyang masira ang higit isang dekadang pagkakaibigan. God bless you both"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Read also

Cristy sa bagong manager ni Liza: "Kuda nang kuda, walang resibo!"

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na agad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakita sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica