Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu

- Ibinahagi ni Vice Governor Mark Leviste ang picture niya kasama sina Kim Chiu at Kris Aquino

- Sa kanyang Instagram stories ay ibinida niya ang picture nilang tatlo matapos ang pagbisita kamakailan ni Kim kay Kris

- Binahagi niya rin ang pictures nina Kim at Kris habang nakaupo kalakip ng awitin ni Kim Chiu na 'Wag Kang Bumitaw'

- Matatandaang kamakailan ay naibahagi ni Kris Aquino ang tungkol sa pagkikita nila ni Kim na si VG Mark ang naging tulay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Vice Governor Mark Leviste ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture matapos bisitahin kamakailan ni Kim si Kris.

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu
Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu (@markleviste)
Source: Instagram

Matatandaang pinasalamatan ni Kim si VG Mark dahil ito ang naging daan para mabisita ni Kim si Kris. Nabanggit din ni Kris sa kanyang post na natuto na sila ni VG Mark sa kanilang pagkakamali at si Bimby umano ang nagkapagpatanto sa kanila kung ano ang dapat nilang ayusin upang maging mas matatag ang kanilang commitment.

Read also

Francine Diaz sa Gold Squad reunion: "Yung schedule po namin talagang di nagtutugma"

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu
Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu (@markleviste)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel