Francine Diaz sa Gold Squad reunion: "Yung schedule po namin talagang di nagtutugma"

Francine Diaz sa Gold Squad reunion: "Yung schedule po namin talagang di nagtutugma"

- Sinabi nina Francine Diaz at Seth Fedelin na ang kanilang hindi magkakatugmang schedule ang dahilan kung bakit hindi pa rin natutuloy ang Gold Squad reunion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang naunang naisapubliko na kasama din sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes sa hosts ng It's Your Lucky Day

- Gayunpaman, nang mag-umpisa ang naturang game show noong nakaraang Sabado, nasa Zamboanga ang casts ng Senior High kung saan kabilang sina Kyle at Andrea

- Matatandaang nagkasama ang apat sa Kadenang Ginto na na naging daan para mabuo kinalaunan ang grupo nilang Gold Squad

Naibahagi nina Francine Diaz at Seth Fedelin na ang conflict sa kanilang mga schedule ang dahilan kung bakit hindi pa rin nangyayari ang reunion ng 'Gold Squad' sa It's Your Lucky Day. Matatandaang kabilang din sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa mga hosts ng show sa inilabas na statement ng ABS-CBN.

Read also

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magkasamang nanood ng UAAP game

Francine Diaz sa Gold Squad reunion: "Yung schedule po namin talagang di nagtutugma"
Francine Diaz sa Gold Squad reunion: "Yung schedule po namin talagang di nagtutugma"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging abala din sina Kyle at Andrea sa kanilang ginagawang serye ng Senior High na nagkataong may mall show sa Zamboanga noong unang araw ng It's Your Lucky Day.

Marami ang nag-aabang sa kanilang muling pagsasama-sama matapos ang Kadenang Ginto.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel