Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magkasamang nanood ng UAAP game

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magkasamang nanood ng UAAP game

- Kasama ni Ricci Rivero ang former beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor na si Leren Mae Bautista sa panonood ng UAAP game

- Namataang magkasama ang dalawa sa Fighting Maroons vs La Salle game

- Matatandaang nagkasama din sila kamakailan ngunit hindi na naglabas ng pahayag ang dalawa kaugnay dito

- Nauna nang pinabulaanan ni Leren na may namamagitan sa kanila ni Ricci nang unang pumutok ang isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling namataan sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na magkasama. Magkasama ang dalawa na nanood ng UAAP game sa pagitan ng Fighting Maroons at La Salle.

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magkasamang nanood ng UAAP game
Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magkasamang nanood ng UAAP game
Source: Instagram

Kamakailan ay nag-viral din ang video nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na magkasama at magkahawak-kamay. Hindi sila tumanggi na makipag-picture sa mga tao na humiling na makapag-pa-picture sa kanila.

Read also

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

Matatandaang naging kontrobersiyal ang dalawa matapos maiugnay sa isa't-isa matapos ang hiwalayang Andrea Brillantes at Ricci. Gayunpaman, agad na naglabas ng pahayag si Leren kung saan pinabulaanan nito na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Ricci.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Matatandaang may lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes. Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci. Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon. Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae.

Kamakailan ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea. Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel