Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

- Naibahagi ni Congresswoman Lani Mercado Revilla ang pinagdaanan ng kanilang pamilya nang nakulong umano ang mister na si Bong Revilla

- Bagama't 'di sila bumibitaw sa dasal at panalangin sa Diyos, aminadong sinubok din sila sa pagtungo sa simbahan

- Ito ay dahil sa pakiramdam na sila umano ang napapag-usapan maging sa mga ganoong klaseng lugar

- Pinasalamatan naman ng dating senador ang kanyang misis sa katatagang ipinamalas nito sa gitna ng matinding pagsubok ng kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang mag-asawang sina Congresswoman Lani Mercado Revilla at senador na si Bong Revilla Jr.

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa palpito kami"
Lani Mercado Revilla (@lanirevilla)
Source: Instagram

Isa sa naibahagi ni Congresswoman Lani ay kung gaano sila kumapit sa pananampalataya sa gitna ng pagsubok ng kanilang pamilya sa pagkakakulong umano ng kanyang mister.

Subalit maging sa aspetong ito ay sinubok pa rin umano sila.

Read also

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

"I remember 'pag linggo, dalawa ang service sa Crame 'nun. May isang Catholic service, may isang Christian service. There was a time talaga na ang hugot namin e word of God. Kasi minsan hindi na kami nun makapunta sa church. Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami. Pa'no 'yan, pano ka magdadasal kung ganun," ani ni Lani.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Minsan 'yung church na pinupuntahan naman pati ako bina-bash doon," ayon naman kay Bong.

Gayunpaman, kinaya nila ito bilang pamilya at mas lalong tumindi ang kapit sa Panginoon.

"Si God lang talaga ang tutulong sa inyo 'pag gusto niyo nang sumuko, gusto niyo nang huminto. Ang mga namumutawi lang sa puso ko, 'pag dumadating yung mga panahon na yun is you remember the good times. You forget the hurts."

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube:

Read also

Rey PJ kay Carla: "Honestly kasi hindi nagtapat sa akin ang aking anak"

Si Lani Mercado ay isang Filipino actress at politician na naninilbihan bilang representative ng ikalawang distrito ng Cavite mula 2010 hanggang 2016, at 2022 hanggang ngayon. Siya ang butihing asawa ni dating actor at senator Bong Revilla Jr.

Samantala, isa sa pinagkakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update." Ito ay dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Isa sa mga nakapanayam kamakailan ni Ogie sa kanyang Ogie Diaz Inspires channel ay si Yeng Constantino na buong tapang na nagbigay ng pahayag ukol sa katanungan ng marami kung bakit hindi pa nila naiisipang magkaroon ng anak matapos ang ilang taon na nilang kasal ng mister na si Yan Asuncion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel