Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

- Naikwento ni Rey PJ Abellana na si Tom Rodriguez umano ang nagtungo sa kanya para siya'y makausap

- Kaugnay ito sa naging hiwalayan nila noon ng anak ni Rey PJ na si Carla Abellana

- Ani Rey PJ, nagpatulong umano sa kanya si Tom sa pagbabakasakaling magkakaayos sila ni Carla na noo'y halos bagong kasal pa lamang

- Sa kabila nito, ang kanya mismong anak na si Carla naman ang hindi pa rin niya umano nakakausap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Rey PJ Abellana na si Tom Rodriguez mismo ang nagtungo sa kanya upang makausap tungkol kay Carla Abellana.

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"
Rey PJ Abellana (Morly Alinio YouTube channel)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, isa ito sa isiniwalat ni Rey PJ lalo na at aminado siyang hindi pa rin umano sila nagkakausap ng kanyang anak na si Carla.

Read also

Rey PJ kay Carla: "Honestly kasi hindi nagtapat sa akin ang aking anak"

"Marahil si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako at nakiusap sa akin na tulungan ko ang sitwasyon nilang dalawa ni Carla, na magkaayos silang dalawa," ani Rey PJ.

"Hindi ko maintindihan bakit ayaw mag-reveal sa'kin ng sarili kong anak tungkol sa pangyayari. Maaring nahihiya siya dahil babae siya lalaki ako. Dun lang siya nagkwento, nag-open up sa nanay niya dahil pareho silang babae."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero hindi ko pinilit yan sa anak ko. Sa ayaw sa gusto mo, sabihin mo sa akin, hindi ko ginawa yan. Ang concern ko lang on my side personally bilang magulang, gusto ko lang, wala na akong ibang hangad na mangyari para sa kanilang dalawa isa lang ang gusto ko na makatulong at para maayos ang sitwasyon nilang dalawa na sila ay sa mata ng lahat, sa mata ng Diyos ay opisyal na kasal na mag-asawa," dagdag pa niya.

Read also

OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"

Narito ang kabuuan ng panayam ni Morly Alinio kay Rey PJ Abellana:

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Nagpakasal sina ni Tom Rodriguez at Carla Abellana noong Oktubre 2021. Subalit sa pagpasok ng taong 2022, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng dalawa.

Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na ni Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel