Rey PJ sa anak na si Carla: "Ayaw mag-reveal sa'kin ng sarili kong anak tungkol sa pangyayari"

Rey PJ sa anak na si Carla: "Ayaw mag-reveal sa'kin ng sarili kong anak tungkol sa pangyayari"

- Nakapanayam ni Morly Alinio si Rey PJ Abellana tungkol sa hiwalayan ng anak nitong si Carla sa asawa nitong si Tom Rodriguez

- Nakwento ni Rey PJ na si Tom pa umano ang unang lumapit sa kanya at nakiusap na pag-ayusin sila ni Carla

- Subalit, ang kanya mismong anak ay hindi raw nagawang kausapin siya ukol dito

- Aniya, nabitin lamang siya sa panayam ni Cristy Fermin at hindi niya nailahad lahat na tila ikinasama ng marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak ng panayam si Rey PJ Abellana sa YouTube channel ni Morly Alinio.

Rey PJ sa anak na si Carla: "Ayaw mag-reveal sa'kin ng sarili kong anak tungkol sa pangyayari"
Rey PJ Abellana (Moly Alinio YouTube)
Source: Youtube

At isa nga sa kanilang napag-usapan ay ang hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

"Una sa lahat, kaya sumama ang loob ng side nina Carla marahil kasi wala kaming komunikasyon. Maaring nauna yung pagsasalita ko bago yung komunikasyon sa aming magkabilang panig. Kasi magkahiwalay kami ng bahay, 'Di halos kami nagkikita na dahil busy schedule niya at ganoon din ako. Honestly kasi hindi nagtapat sa akin, ang aking anak na si Carla tungkol sa isyu na yun. Marahil si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako at nakiusap sa akin na tulungan ko ang sitwasyon nilang dalawa ni Carla, na magkaayos silang dalawa," giit ni Rey PJ.

Read also

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Bilang magulang, wala na akong ibang concern kahit sa mga binitawan kong isyu o sitwasyon kung ano yung nasagot ko sa interview, 'yung kay Cristy Fermin marahil bitin lang, hindi detalyado ang pagpapaliwanag ko kay Nanay Cristy Fermin. Kay anagkaroon ng misunderstanding 'yung ibang tao maaring pati yung panig nina Carla," dagdag pa niya.

Narito abng kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Nagpakasal sina ni Tom Rodriguez at Carla Abellana noong Oktubre 2021 Subalit sa pagpasok ng taong 2022, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng dalawa.

Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na ni Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel