Rosé ng Blackpink, nag-react nang sabihin ni Andrea Brillantes ang tungkol sa breakup nila ni Ricci Rivero

Rosé ng Blackpink, nag-react nang sabihin ni Andrea Brillantes ang tungkol sa breakup nila ni Ricci Rivero

- Binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé

- Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom

- Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea

- Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napansin si Andrea Brillantes ni Rosé ng Blackpink nang magkomento ito sa Instagram live ni Rosé. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla nang sabihin ni Andrea na break na sila ng lalaking niyaya niya sa prom noong nag-concert ang Blackpink dito sa Manila.

Read also

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

Andrea Brillantes, muling napansin ni Rosé ng Blackpink
Andrea Brillantes, muling napansin ni Rosé ng Blackpink (@blythe)
Source: Instagram

Tinanong ni Rosé kung ano ang pinakapaboritong memory ng kanilang fan bilang mga Blinks. Ang "Blink" ang fandom name para sa mga tagahanga ng Blackpink.

Marami ang nagbanggit kay Andrea sa live na ito at mismong siya ay nanonood at nagkomento na ang pinakapaborito niya ay nang mapansin siya ng mga ito sa kanyang prom proposal para sa dati niyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit din ni Andrea na hiwalay na sila ngunit aniya ay masaya naman na siya ngayon.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family kahit maulan

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel