Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family kahit maulan

Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family kahit maulan

- Ibinida ni Vice Ganda ang video nila ng kanyang kasamahan sa "It's Showtime"

- Nasa labas sila ng studio at nagsayaw nang magkakasama habang pumapatak ang ulan

- Makahulugan at napapanahon din ang mensaheng ibinahagi ni Vice sa naturang video

- Aniya, sa buhay ay hindi kailangang antayin tumila ang ulan kundi ang matutong magpatuloy sa kabila ng ulan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Vice Ganda ng video nila ng kanyang mga co-hosts sa It's Showtime. Kalakip ng kanyang binahaging video ay ang makahulugan at napapanahong mensahe.

Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family
Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Vice Ganda ay sumasayaw sila habang pumapatak ang ulan. Kalakip nito ay ang mensahe tungkol sa pagpapatuloy ng buhay sa gitna ng mga unos at suliranin.

Life isn't about waiting for the rain to stop. It's about learning to dance in the rain. And we dance TOGETHER as a FAMILY.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Marami naman sa mga fans ng It's Showtime ang naghayag ng kanilang mensahe:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

A good representation of their current situation..laban lang Showtime.
My heart is so happy seeing this showtime family dancing together.
This is the best version I’ve seen…indeed we have to learn to dance with the challenges life gives. Fighting! Solid Showtime!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Vice Ganda sa kanyang kanta habang nasa "It's Showtime". Napakanta siya tungkol sa icing na maituturing na isa sa naging mitsa ng pinataw na 12-day airing suspension sa kanila. Sa himig ng kanta ni April Boy Regino na 'Di Ko Kayang Tanggapin', kinanta niya ang linyang "Di ko kayang tanggapin na mawawala dahil sa icing". Natawa naman ang madlang people at mga co-hosts niya sa kanyang kanta.

Read also

Trina Candaza, binahagi ang waybills ng orders sa kanyang negosyo: "Ang kapal"

Nagpatawag raw ng emergency meeting si Vice Ganda para sa mga staff ng It's Showtime. Ito yung mga staff na maaapektuhan sa pinataw na 12-day suspension ng MTRCB sa kanilang show. Ayon kay Kapitana Sisa, napag-alaman niya sa isang source na mismong si Vice Ganda raw ang magbibigay ng ayuda para sa mga staff. Nakapagsumite na rin daw ng Motion for Reconsideration ang GMA-7 kaugnay sa pinataw na suspension.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel