Cristy sa umano'y nasabi ni Ricci ukol kay Andrea: "Sinira mo agad yung imahe 'nung babae"

Cristy sa umano'y nasabi ni Ricci ukol kay Andrea: "Sinira mo agad yung imahe 'nung babae"

- May lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes

- Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci

- Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon

- Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si ang kilalang showbiz reporter na si Cristy Fermin ukol sa panibagong nababalita tungkol kay Andrea Brillantes.

Cristy sa umano'y nasabi ni Ricci ukol kay Andrea: "Sinira mo agad yung imahe 'nung babae"
Ricci Rivero (@ricciiirivero)
Source: Facebook

Kamakailan ay napabalita ang umano'y underwear ni Andrea na naiwan pa rin sa condo unit ng ex-boyfriend nito na si Ricci Rivero.

Read also

Herlene Budol, emosyonal sa pag-anunsyo: "Sorry Pilipinas, this is my last pageant... Ba-bye!"

Ani Cristy, maaring gawa-gawa lang ito ng kampo ni Ricci na unang nasabihan 'di umano ni Andrea na hindi nagpapa-laundry sa loob ng isang taon.

"Siguro ito ay gawa-gawa bilang ganti ng kampo ni Ricci nung sabihin ni Blythe na hindi siya nagpapalaba ng kanyang mga kagamitan kaya dugyutin."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nasabi rin ni Cristy na sana'y hindi na nagsasalita pa ang lalake na maaring makasira sa imahe ng karelasyon.

Matatandaang si Ricci ang unang nagsiwalat ng hiwalayan nila ni Andrea kasama ang ilang detalye tungkol dito.

"Pero kung ikaw ay isang lalake na may respeto sa iyong nakaraang karelasyon o sa kasalukuyan, hindi mo yun ikikwento," paliwanag ni Cristy.

"Hindi yun hinihingi ng edukadong lipunan kasi sinira mo agad yung imahe nung babae," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Read also

Willie Revillame, naudlot ang show dahil umano sa nakakalulang talent fee ayon kay Cristy

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Subalit mas gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang maging karelasyon niya ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes. Matatandaang agaw-eksena ang naging proposal nito sa kanya matapos ang isang basketball game kung saan nanood si Andrea.

Gayunpaman, gumulantang din sa publiko ang hiwalayan nila ng aktres na mismong si Ricci ang nagkumpirma habang nanatili pang tahimik noon si Andrea. Kabi-kabilang mga espekulasyon ang lumabas tungkol sa posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan hanggang sa lumabas ang balitang naabutan umano ni Andrea na may ibang babae sa condo nito. Ayon pa umano sa source ni Ogie Diaz, sinasabing hindi lamang ito isang beses na nahuli ni Andrea bagay na wala pa rin 'di umanong kumpiramsyon sa aktres.

Read also

Cristy sa mga detalye ng kasalan nina Maine at Arjo: "Napakabongga po ng kasalang ito"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel