Willie Revillame, naudlot ang show dahil umano sa nakakalulang talent fee ayon kay Cristy

Willie Revillame, naudlot ang show dahil umano sa nakakalulang talent fee ayon kay Cristy

- Naudlot umano ang show sana ni Willie Revillame dahil sa umano'y nakakalulang talent fee nito

- Ayon kay Cristy Fermin, mapapanood na rin sana si Willie sa TV5 subalit di na ito matutuloy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang huling napanood si Willie sa programa niyang Wowowin sa ALLTV noong Pebrero ng kasalukuyang taon

- Subalit makalipas ang ilang buwan, hindi pa muli ito nakababalik sa telebisyon, maging sa kanyang YouTube channel

Hindi umano matutuloy ang show sana ni Willie Revillame ayon sa source ni Cristy Fermin.

Willie Revillame, naudlot ang show dahil umano sa nakakalulang talent fee ayon kay Cristy
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Facebook
"Ito po palang si Willie Revillame ay gagawa po dapat ng show sa TV5. 'Di po natin alam meron po pala siyang kinakausap na tao para ipasok siya sa TV5. Dapat pala ay magkakaroon pala ng katuparan ang kanyang kagustuhan. Kaya lang, hindi sila nagkasundo. Hindi yata ako pupwedeng maglatag ng mga detalye. Basta tungkol ito sa talent fee," ani Cristy.

Read also

Tito Sotto, sakaling gamitin ang footages nila sa Eat Bulaga: "Puwede silang makasuhan ulit"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag din niya ang bagay na nais na mangyari ni Willie at ang umano'y talent fee na hinihingi nito.

"Ang gusto pala ni Willie suswelduhan siy ng istasyon sa presyo po na talaga namang... nakakalula! Kaya hindi natuloy"

Pebrero ngayong taon nang huling mapanood si Willie Revillame na noo'y pansamantala raw namaalam sa ALLTV.

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin. Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Nagkaroon umano ng espekulasyon na si Willie ang ilalagak sa Eat Bulaga na naiwan ng TVJ sa TAPE Inc. May mga nagsasabing tumatawag pa umano nito sa staff ng EB at nagbibigay ng komento at suhestyon. Subalit sa isang Episode ng Showbiz Now Na! nagawa siyang dipensahan ni Cristy Fermin.

Read also

Cristy sa mga detalye ng kasalan nina Maine at Arjo: "Napakabongga po ng kasalang ito"

Matatandaang napabalita rin ang pagkausap umano ng magkakapatid na Jalosjos ng TAPE Inc. kay Willie para kumbinsihin sana ito na maging bahagi ng July 1 episode ng Eat Bulaga. Ito ang petsa ng launch ng E.A.T. sa TV5 at It's Showtime sa GTV ng GMA. Subalit mariin din daw itong tinanggihan ni Willie dahil malaki umano ang respeto nito sa TVJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel