Alden sa crazy rumors ng Aldub: "I'm at a point na, masaya po sila 'dun e"

Alden sa crazy rumors ng Aldub: "I'm at a point na, masaya po sila 'dun e"

- Nagbigay pahayag si Alden Richards patungkol sa hindi pa rin namamatay na tsismis patungkol sa kanila ni Maine Mendoza

- Sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga, inakala niya umanong huhupa ito nang malagay na sa tahimik si Maine kasama si Arjo Atayde

- Subalit muli itong napag-usapan at sinasabing kasal sila ng dating ka-love team at mayroon pa silang anak

- Muling nilinaw ni Alden na wala umano itong katotohanan subalit, tila hirap na niyang kumbinsihin pa ang mga fans na tila masaya sa ganoong paniniwala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Alden Richards at Toni Gonzaga ay ang tungkol sa crazy rumors ng dating tambalan ng AlDub.

Alden sa crazy rumors ng Aldub: "I'm at a point na, masaya po sila 'dun e"
Alden Richards Facebook
Source: Facebook

Matatandaang nabuo ito sa Eat Bulaga at naging Kalyeserye na sinubaybayan ng publiko.

Hanggang ngayon, patuloy na nagiging usap-usapan ang pagkakaroon umano ng anak nina Alden at Maine na inakala pa ng kanilang mga fans na ikinasal talaga sila.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

"I already said my piece about this. It's not true. Wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak, we never got married."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nasabi rin ni Alden ang pananaw sa patuloy na paniniwala ng ilang fans tungkol sa kanila ni Maine.

"But right now po, I'm at a point na, masaya po sila 'dun e. Tatanggalin ko pa ba? I-ru-rub ko pa ba sa mga buhay nila na wala nga, 'wag kayong makulit. I'm not that kind of person. I always support happiness of people."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studios YouTube channel:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Toni Gonzaga, napansing maraming kamukhang artista si Alden Richards

Kamakailan, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga kilalang personalidad na hanga umano sa kabutihang ipinakikita ni Alden. Kasama niya ito sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival movie na pinagbidahan nila ang 'Family of Two'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel