Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naikwento ni Alden ang kanya umanong pagiging brokenhearted pagpasok ng natapos na taong 2023

- Idinetalye niya ang para sa kanya'y pagiging brokenhearted na tila walang koneksyon sa buhay pag-ibig

- Aniya, na-depress pa umano siya sa mga panahong ito at aminadong hindi naging madali para sa kanya

- Sa naturang interview rin sa kanya ni Toni, napag-usapan din nila ang tungkol minsang pagka-burnout niya sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naitanong ni Toni Gonzaga nang makapanayam niya si Alden Richards ay ang tungkol sa pagiging brokenhearted nito.

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"
Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it" (Alden Richards)
Source: Facebook

Nausisa ni Toni kung kailan umano huling naging brokenhearted ang aktor.

"Start of 2023, First three months of it. Brokenhearted in a lot of aspects. I was depressed for three months. This is how I define that phase in my life na down ako. I was ungrateful. I was very ungrateful. I think pumasok 'yung element na, bakit kaya si ganu'n, ganito. I compared myself to other people," ang naging sagot ni Alden.

Read also

Toni Gonzaga, napansing maraming kamukhang artista si Alden Richards

"Parang kinain ko 'yung sinabi ko na hindi ko kinukumpara 'yung sarili ko sa iba. I tend to focus on my self. Pero what happened?" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinang-ayunan naman ito ni Toni at sinabing kahit gaano raw talaga kasikat, kaganda o kagwapo ng isang tao, nakakaramdam pa rin talaga ito ng mga insecurities.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni gonzaga Studios YouTube:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Marian Rivera, sa bagong taon: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"

Kamakailan, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga kilalang personalidad na hanga umano sa kabutihang ipinakikita ni Alden. Kasama niya ito sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival movie na pinagbidahan nila ang 'Family of Two'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel