Marian Rivera, sa bagong taon: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"

Marian Rivera, sa bagong taon: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"

- Isang makabuluhang mensahe ang iniwan ni Marian Rivera sa pagtatapos ng 2023

- Kasama niya sa naturang post ang kanyang mister at leading man sa blockbuster na pelikula nilang 'Rewind'

- Pinayuhan din niyang yakapin umano ng nakababasa ng kanyang post ang mahal nito sa buhay

- Kalahok sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival ang pelikula nina Marian at Dingdong na tumabo sa takilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Marian Rivera ng mga sweet photos nila ng mister na si Dingdong Dantes.

Marian Rivera, sa pagtatapos ng 2023: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"
DongYan (@marianrivera)
Source: Instagram

Kalakip nito ang makabuluhang mensahe nila sa pagtatapos ng 2023 at sa pagsisimula ng 2024.

"Bago matapos ang taon, yakapin mo nang mahigpit ang mga greatest love mo. Wala mang REWIND sa totoong buhay, pwede ka pa ring mag-REFOCUS, at mag-RESTART"
"Happy New Year everyone! Let’s LIVE BETTER, and LOVE BETTER this 2024!"

Read also

Angelica P, ikinasal na: "Mrs. Angelica Panganiban Homan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Marian:

Si Marian Rivera ay isa sa mga maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Nakilala siya sa Kapuso channel dahil sa pagganap niya sa mga iconic roles tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.' Siya ang asawa ng isa ring Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ngayong taon, muling nagsama sa isang proyekto ang DongYan na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay ang pelikulang Rewind kung saan mag-asawa rin ang gagampanan nila. Bagama't walang natanggap na award ang kanilang pelikula, labis naman umano itong tumabo sa takilya.

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel