Marian habang nagbabasa ng script ng pelikula nila ni Dingdong: "umiiyak ako, humihikbi ako"

Marian habang nagbabasa ng script ng pelikula nila ni Dingdong: "umiiyak ako, humihikbi ako"

- Iniyakan ni Marian Rivera ang script ng bago nilang pelikula ng mister na si Dingdong Dantes

- Ito ang pelikulang 'Rewind' sa ilalim ng Star Cinema, isang dream project na ngayo'y maisasakuparan na

- Maging ang ina ni Marian ay naintriga sa script dahil nakita umano siya nitong umiiyak

- Ang 'Rewind' ang kauna-unahang pelikula ng tambalang 'DongYan' na sa ilalim ng Star Cinema

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Marian Rivera kung paano siya napaiyak ng script ng bago nilang pelikula kasama ang kanyang mister na si Dingdong Dantes.

Marian habang nagbabasa ng script ng pelikula nila ni Dingdong: "umiiyak ako, humihikbi ako"
Dingdong Dantes and Marian Rivera (@marianrivera)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ang kauna-unahang proyekto nila sa Star Cinema. Sa presscon ng naturang pelikula, nilahad ni Marian kung paano siya tinamaan sa pagbabasa pa lang ng script.

"So, dumating yung mama ko sa bahay. Pinapatulog ko 'yung anak ko, so nakatulog na. So si Mama humiga 'dun sa sofa namin habang ako, 'di niya alam na binasa ko 'yung script. So, habang binabasa ko 'yung script. humihikbi ako, umiiyak talaga ako kasi talagang talagang tatamaan ka talaga. Mamu-move ka sa mga nangyayari."

Read also

Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day

"Kahit lalake 'yung character na nagsasalita parang 'Wow, what if ako'to?" What if si Dong talaga 'to. So umiiyak ako, humihikbi ako. So nagising 'yung nanay ko. Sabi ng mama ko, anak may problema ka ba? Magsabi ka sa'kin. Sabi ko 'ma, nagbabasa lang ako ng script. So tawa siya ng tawa, sabi niya para maiyak ka sa script ay sobrang ganda naman niyan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN News:

Si Marian Rivera ay isa sa mga maituturing na pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Nakilala siya sa Kapuso channel dahil sa pagganap niya sa mga iconic roles tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.' Siya ang asawa ng isa ring Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Kamakailan, napag-usapan si Marian nang muling balikan ng kaibigan niyang si Boobay kung paano siya tinulungan nito.

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Katunayan, matapos na mag-guest si Boobay sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan tila nag-hang si Boobay, agad siyang kinumusta ni Marian at nagkasama pa sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel