Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day

Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day

- Pinadalhan umano ng pagkain si Dennis Padilla ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto noong Father's day

- Ayon kay Ogie Diaz, nakarating umano sa kanila ang magandang balitang ito subalit wala raw itong greeting na kasama

- Patuloy na tumatagal ang umano'y hindi pakikipagkomunikasyon ng mga anak ni Dennis sa kanya

- Hanggang ngayon, isang malaking palaisipan pa rin ang dahilan bakit natitiis umano ng mga anak ang kanilang ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpadala umano ng pagkain sina Julia Barretto at mga kapatid na sina Claudia at Leon sa kanilang si Dennis Padilla noong Father's Day.

Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day
Dennis Padilla kasama ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon (Dennis Padilla)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit ito ni Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

"Nagpadala raw ng food sa kanya. Pero walang message o greeting na 'Happy Father's Day," ani Ogie.

Read also

Ogie Diaz simula July 1: "So tatlong noontime show ang maglalaban-laban"

"E syempre nalungkot si Dennis na parang, 'yung words nila kailangan ko hindi pagkain," dagdag pa niya. "Gaano kahirap magsulat ng message? Kahit happy father's day?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, inalala rin ni Ogie ang minsang mga nabitawang mga salita ni Dennis tungkol sa umano'y hindi pagpansin sa kanya ng mga anak.

"Hanggang kailan nila ako kayang tiisin? 'Di ako nawawalan ng pag-asa Ogie. Kung mapapansin mo din e nagpo-post ako, kahit wala nang reply, walang comment sa post ko," ayon kay Dennis na naibahagi ni Ogie.

Kung kinakailangan pa raw ni Dennis mag-sorry sa kanyang mga anak, gagawin niya ito.

Naisip din daw nito na ang pagsigaw sa mga anak ang siyang dahilan bakit hindi siya pinapansin ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel na Showbiz Update

Read also

Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel