Ogie D, ibinahagi ang buradong video greeting ni Dennis Padilla sa anak na si Julia

Ogie D, ibinahagi ang buradong video greeting ni Dennis Padilla sa anak na si Julia

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang ngayo'y burado nang video ng birthday greeting ni Dennis Padilla sa anak na si Julia Barretto

- Hanggang ngayon umano ay palaisipan sa marami bakit hindi magawang sumagot o magpasalamat ng mga anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto sa mga post nito

- Sinubukan din umanong tanungin ni Ogie D si Dennis tungkol dito

- Samantala, si Julia Barretto ay nagdiwan ng kanyang 26th birthday sa Paris kasama ang nobyong nagdiwang din ng kaarawan na si Gerald Anderson

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang maiksing video ni Dennis Padilla bilang pagbati nito sa ika 26 na kaarawan ng anak na si Julia Barretto.

Ogie D, ibinahagi ang buradong video greeting ni Dennis Padilla sa anak na si Julia
Dennis Padilla kasama ang anak na si Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod pa umano sa post nito ng note na may kasamang picture nila ni Julia ay may video pa pala ng nagaw si Dennis.

Read also

Cristy, nakumpirmang hindi raw totoong si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

Dearest Julia, happy happy birthday anak. Ang bilis, 26 years old ka na and ngayon ko lang na-realize na itong picture mo 'nung baby ka pa, hindi nawawala sa aking wallet for the past 26 years. And sana magkita tayo soon, magkausap and again I'm sorry sa aking mga pagkakamali. At sana ay lalo pang dumami ang iyong blessings sa buhay at mas dumami pa ang iyong mga movie at TV projects. Anuman ang mangyari, gusto ko lang malaman mo anak na ang aking pagmamahal parang sinabi ni Tito Randy, hindi magbabago. Ingat! Happy Birthday, I love you," ang mensahe ni Dennis para kay Julia sa naturang video.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin umano sa marami bakit hindi manlang masagot ng kahit simpleng pasasalamat ng mga anak ni Dennis kay Marjorie Barretto ang palagiang pagbati nito sa tuwing may ikasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ellen Adarna, ibinida ang husay ng anak sa pag-ski sa edad na apat na taon

Maging si Ogie Diaz ay sinubukang tanungin si Dennis tungkol dito subalit sinabi lamang nito na basta't masaya ang kanyang mga anak ay masaya na rin umano siya.

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel