Cristy, nakumpirmang hindi raw totoong si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

Cristy, nakumpirmang hindi raw totoong si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

- Nakumpirma 'di umano ni Cristy Fermin na wala umanong katotohanan ang nababalitang si Willie Revillame ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

- Mismong ang anak ni Romelo Jalosjos, ang may-ari ng TAPE Inc. ang nagsabing hindi nila kinausap si Willie para rito

- Matatandaang sa maugong na rebranding ng Eat Bulaga, lumabas din ang poster na 'Wow, Bulaga'

- Wala ring katotohanan umano ang naturang poster na inakala rin ng marami na bagong bihis ng longest running noontime show sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakumpirma ni Cristy Fermin na wala umanong katotohanan na si Willie Revillame ang papalit sa Tito, Vic and Joey bilang main host ng Eat Bulaga.

Cristy, nakumpirmang 'di umano totoo na si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga
Willie Revillame (Wowowin)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa ito sa kanilang natalakay nina Wendell Alvarez at Romel Chika sa bagong episode ng kanilang Showbiz Now Na! channel.

Read also

Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"

Ani Cristy, mismong ang anak ng may-ari ng TAPE inc. na si Mayor Bullet Jalosjos ang nagsabing hindi si Willie ang magiging kapalit ng TVJ.

"Nagsalita na po si Mayor Bullet Jalosjos, nagsalita na po ang anak ni Romeo Jalosjos na never nilang kinausap si Willie, hindi nila kinakausap si Willie at hindi nila kukunin si Willie para doon"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging matunog ang umano'y haka-hakang ito dahil matapos na umugong ang rebranding ng Eat Bulaga, lumabas din ang isang poster na nagpapakita ng bagong bihis ng Eat Bulaga kung saan naroon si Willie at tatawagin daw na 'Wow Bulaga'

Muling giniit ni Cristy na hindi si Willie Revillame kaya sinabi rin nitong itigil na ang pagpapakalat ng naturang poster.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Cristy sa umano'y pelikula ni Darryl Yap kung saan kasama si Toni G: "Ay, sasama siya do'n?"

Samantala, bukod kay Willie Revillame sinasabing sina Wally Bayola, Jose Manalo at Allan K ang ipapalit 'di umano sa Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga.

Mismong ang source naman ni Boy Abunda ang nagsabing wala umanong katotohanan ang lumalabas na poster na si Willie nga ang bagong mukha sa Eat Bulaga. Marami-rami rin ang inakalang totoo ang video na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel