Cristy sa umano'y pelikula ni Darryl Yap kung saan kasama si Toni G: "Ay, sasama siya do'n?"

Cristy sa umano'y pelikula ni Darryl Yap kung saan kasama si Toni G: "Ay, sasama siya do'n?"

- Tila nagulat si Cristy Fermin nang malamang kasama si Toni Gonzaga sa bagong pelikulang gagawin ni Darryl Yap

- Aniya ang pelikulang ito ay may pamagat na 'Mabuhay, Aloha, Mabuhay!' kung saan ang gaganap na PBBM ay si Aga Muhlach

- Gayunpaman, iba ang naging reaksyon ni Cristy na bahagyang nangamba sa kung ano ang maaring kalabasan ng pelikula

- Mainam pang magpahinga raw muna si Toni gayundin si Alex matapos ang umano'y ilang hindi maganda umanong resulta ng mga naging proyekto nito kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagulat si Cristy Fermin nang ibahagi ng kasama niya sa Showbiz Now Na! na si Wendell Alvarez na kasama umano si Toni Gonzaga sa bagong pelikulang gagawin ng direktor na si Darryl Yap.

Cristy sa umano'y pelikula ni Darryl Yap kung saan kasama si Toni G: "Ay, sasama siya do'n?"
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang pelikula ay may pamagat na 'Mabuhay, Aloha, Mabuhay!' kung saan ang gaganap umano bilang si Presidente Bongbong Marcos ay si Aga Muhlach.

Read also

Cristy sa vlog ni Alex tungkol sa pagsurpresa sa fans: "Parang nababalewala e no?"

"Kaya bang labanan ng positivity ni Direk Daryl ang negativity ng mga artista niya?" ang diretsang pahayag ni Cristy patungkol sa pagkuha kay Toni sa pelikula ng minsan nang naging kontrobersyal na direktor.

Ayon naman kay Romel, naniniwala siya umano na kakayanin ni Direk Darryl ang magiging hamon na ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit pangamba ni Cristy, may posibilidad umanong ito ang magiging unang pagkakataon na hindi maging maganda ang pagtugon ng mga manonood sa pelikulang gagawin ni Direk Darryl.

"Baka ngayon pa lang makatikim si Direk Daryl Yap ng lumalagatok na flopsina," ani Cristy.

Gayunpaman, nabanggit din niyang sana'y magpahinga muna si Toni sa showbiz maging ng kapatid nitong si Alex.

"Kapag negatibong-negatibo ka ngayon, malay mo magbakasyon muna kayo. Magpalipas muna kayo ng ilang panahon. Pagbalik ninyo, okay na 'yan"

Read also

Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

Isa ang Showbiz Now Na! YouTube channel sa mga pinakaabangan pagdating sa paghahatid ng mga kaganapan sa showbiz scene ng Pilipinas.

Kasama ng batikang showbiz host at writer na si Cristy Fermin ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa paghahatid ng maiinit ng maiinit na showbiz chika sa kanilang nasa mahigit 300,000 YouTube subscribers.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! muli nilang napag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ni Liza Soberano. Nagbitaw din ng mensahe si Cristy sa ama ni Liza kaugnay sa nabanggit ng aktres na pagkawala umano ng kanyang kabataan dala ng maagang pagpasok sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel