Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

- May mensahe si Cristy Fermin sa ama ni Liza Soberano kaugnay sa kontrobersyal na pahayag nito

- Usisa ni Cristy, bakit nga ba hindi umano napag-aral si Liza tulad nang nabanggit nito na sa murang edad ay pinasok na niya ang mundo ng showbiz

- Isa umano ito sa mga umano'y hinaing ni Liza kasama ng kabataan niyang tila nawala sa kanya dahil sa pag-aartista

- Dahil dito, isa ito sa ibinubutas ngayon kay Liza at sa kanyang naging pahayag sa kanyang kontrobersyal na 'This is me' vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May mensahe si Cristy Fermin sa ama ni Liza Soberano na nagsalita rin umano sa isyung kinakaharap ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na tila nausisa umano ni Cristy ang Filipino father ni Liza Soberano patungkol sa naging pahayag ng aktres tungkol sa kanyang kabataan.

Read also

Cristy kay Liza: "Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan"

Matatangdaang isa umano sa mga hinaing nito ay ang maagang pagpasok umano niya sa howbiz dahilan para raw niya maramdaman ang kanyang kabataan.

"Nung sabihin ng anak niyo na inagaw ang kanyang childhood. Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral. Dapat pinapag-aral niyo ang anak niyo nang hindi pinasok ang pag-aartista," pagtatanong ni Cristy.

Sinigundahan pa ito ni Romel Chika na kasama niya sa programang Showbiz Now Na! na dapat ang magulang umano ang sisihin ni Liza kung bakit hindi siya nakapag-aral.

"Isa yun sa mga ibinubutas ng ating mga kababayan na meron pa kayong paagaw-agaw ng childhood, ng happiness ng kanyang pagkatao. E kung ganoon lang din pala ang sasabihin mo e bakit ba hindi ka kasi pinag-aral ng mga magulang mo," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang isa lamang ito sa mga naibulalas ni Liza sa kanyang kontrobersyal na vlog na may pamagat na 'This is Me'.

Read also

Cristy Fermin, todo puri si Bea Alonzo; naihambing kay Liza Soberano

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez na mapapanood sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Isa ang Showbiz Now Na! YouTube channel sa mga pinakaabangan pagdating sa paghahatid ng mga kaganapan sa showbiz scene ng Pilipinas.

Kasama ng batikang showbiz host at writer na si Cristy Fermin ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa paghahatid ng maiinit ng maiinit na showbiz chika sa kanilang nasa mahigit 300,000 YouTube subscribers.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel